Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Casares, Alcoseba nanguna sa National Age Group Triathlon Series

Casares, Alcoseba nanguna sa National Age Group Triathlon Series

OLONGAPO – Ipinamalas ng Filipino-Spanish na si Fernando Jose Casares ang kanyang tibay, lakas at resistensiya para angkinin ang gintong medalya sa Sprint Men’s Elite category ng National Age Group Triathlon (NAGT) Series sa Subic Boardwalk, SBMA, Zambales noong Linggo.

Si Casares, ay nagtala ng 57 minuto at 16 segundo upang manaig kina Matthew Justine Hermosa ng Cebu City (57:34) at Andrew Kim Remolino (59:12) sa paglangoy (750m), bike (20km), run (5km).

Nanguna sa women’s category si Raven Faith Alcoseba ng Cebu City sa oras na 1:04:36, tinalo sina Erika Nicole Burgos (1:08:03) at Karen Manayon (1:08:25).

Samantala, Itinanghal na kampeon sina Dayshaun Ramos at Kira Ellis sa junior elite division ng tournament na inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) na pinamumunuan ni Tom Carrasco Jr.

Si Ramos ay nanalo sa men’s category sa oras na 1:01.56 habang sina Akio Habana (1:03:43) at Aidanreed Mercado (1:03:51) ay pumangalawa at pangatlo, ayon sa pagkakasunod.

Sa women’s category, nagposte si Ellis ng 1:05:51 para sa gintong medalya. Nakuha ni Gene Heart Quiambao may oras na (1:06:15) ang pilak na medalya at si Lady Samantha Jhunace Corpuz (1:07:18) ay umamot ng bronze medal.

“Ang torneo ay bahagi ng paghahanda ng ating mga pambansang atleta para sa Cambodia SEA Games sa Mayo,” saad ni Mr. Carrasco pagkatapos gawaran ng medalya ang mga nagwagi.

Mga nakahay na tune-up event ng (TRAP) ay ang National Aquathlon Championships sa Vermosa (Cavite) sa Marso at ang Subic International Triathlon sa darating Abril.

Ang (NAGT) series ay itinaguyod ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Philippine Sports Commission, Standard Insurance, Asian Center for Insulation Philippines, TYR, Subic Bay Venezia Hotel at Fitbar.

 Media partners: Radyo Pilipinas 2, PTV Sports, SBR.ph at Raceday! ( HENRY TALAN VARGAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …