Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Tañada Ako Si Ninoy Cory Aquino

Interbyu ni Vince Tanada kay Pangulong Cory nagamit sa script ng Ako Si Ninoy

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG yumaong dating Pangulong Cory Aquino ang isa sa mga main resource people ni direk Vince Tañada para sa mga detalye ng Ako Si Ninoy na pelikula ng Philstagers Films.

In 2009 when I wrote the original script for the stageplay my main resource person is PCCA, President Corazon Cojuangco Aquino.

“She was already suffering from cancer of the colon pero nasa  St. Luke’s [hospital] ako at iniinterbyu ko siya at lahat ito  ay nanggaling sa kanya.

“Galing sa pamilya,” pagtukoy ni direk Vince sa mga detalye na mapapanood sa Ako Si Ninoy.

“Second we also have historians and academicians, ‘yun pong talagang pinag-aralan at nagsaliksik sa kuwento. Hindi po ‘yung gawa-gawa lang po na isang pamilya para sa kanilang sariling pag-angat ng imahe.

“Ito po ay pinag-aralan ng iskolastiko’t akademiko,” pagtukoy pa rin ni direk Vince sa nilalaman ng pelikula na unang napanood noon bilang isang stageplay.

 “Point of view po ito ng mga Aquino,  ng mga historian, ng mga scholastic and academicians, POV po ito ng mga nag-aral tungkol  sa kasaysayan, hindi po ito POV ng isang pamilya lamang.”

Pagbibidahan ni JK Labajo bilang Ninoy Aquino ang Ako Si Ninoy at kasama rin dito sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Johnrey Rivas, Nicole Laurel, Sara Holmes, Marlo Mortel, Lovely Rivero, at marami pang iba.

Tapos na ang kabuuan ng pelikula at naghihintay na lamang ng playdate.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …