Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zeinab Harake Marian Rivera Dingdong Dantes

Zeinab kilig na kilig nang makaharap/mayakap si Marian

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRA-SOBRA and saya at kilig ng content creator na si Zeinab Harake nang makadaupang palad niya ang idolong si Marian Rivera.

Matagal nang pangarap ni Zeinab na makaharap ng personal, makilala ang misis ni Dingdong Dantes. At iyon ay natupad nang magkita sa grand opening ng Beautederm Corporate Center sa Angeles City, Pampanga na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche Tan.

Sina Marian at Dingdong ang kasama ni Ms. Rei sa ribbon cutting ceremony para sa pormal na pagbubukas ng Beautederm na  maatatagpuan din ang kanyang Beautederm Beanery at A-List Avenue.

Sina Dingdong at Marian ay kapwa ambassador ng Beautederm gayundin si Zeinab na nakasama rin sa pasinaya ng naturang building. 

Hindi pa natapos ang kilig at saya ni Zeinab sa pghaharap nilang iyon ng kanyang idolo na talaga namang nagpa-picture siya dahil nag-post siya sa kanyang Instagram. Dito’y 

 ipinost niya ang litrato nila ni Marian na magkayakap at ang photo niya kasama ang Kapuso Primetime King & Queen.

May caption iyong, “My forever lodi, my Marimar I love you so so much @marianrivera. Finally my dongyan heart,” 

Matagal nang sinasabi ni Zeinab na isa sa mga celebrity na pangarap niyang makita ay si Marian dahil super idol niya ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …