Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Ria Atayde

Sylvia rumesbak sa mga basher ni Ria

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NIRESBAKAN ni Sylvia Sanchez ang mga basher at hater ng kanyang anak na si Ria Atayde. Ito ay ukol sa pagiging 2023 calendar girl ng White Castle Whiskey ng kanyang anak na ipino-promote ang body positivity.

As usual, hindi nawala ang mga taong walang magawa sa buhay kundi mamuna subalit marami rin naman ang pumuri at natuwa sa dalaga. 

Ani Sylvia, 100% ang suportang ibinigay nila kay Ria para sa bago nitong project. Hindi rin sila nakialam sa pictorial ng dalaga na naikuwento rin naman ni Ria nang ilunsad siya bilang White Castle calendar girl.

Kung alam kong maganda naman, bakit hindi? ‘Yung plano kasi nila kay Ria, ang ganda-ganda. In-explain nila ang ganda, ganda, ang sosyal-sosyal.

“So sabi ko, ‘Why not, ‘di ba? Kasi for me, hindi naman sa pagiging payat ‘yung pagiging sexy. Tumitingin ako sa pagiging sexy sa tao, paano siya mag-alaga ng kapwa niya, paano siya bilang tao, kung mabuti siyang tao. Ano ‘yung talino niya,” ani Sylvia sa grand opening ng Beautederm Corporate Headquarters sa Angeles City, Pampanga noong Sabado.

Ang katawan kasi puwede kasi ‘yan i-exercise eh, puwede kang maging sexy. Pero para sa akin, ang kabuuan ng pagiging sexy sa akin, kung mabuti kang tao. Ang sexy sa akin ang puso ng tao.

“Mas gusto kong makita ‘yung sa sinasabi niyong may laman or voluptuous kaysa payat na masama ugali. Mas gusto ko sa voluptuous na mayroong mabuting puso. ‘Yun ang sexy para sa akin,” sambit pa ng aktres na isa rin sa ambassador ng Beautederm.

Reaksyon naman ni Sylvia sa mga hater ni Ria, “Mayroong namba-bash kay Ria pero wala akong pakialam sa kanilang lahat.

“You know why? Masaya ang buhay ng anak ko, masaya kaming pamilya. Okay ang anak ko. So bakit ko iintindihin ‘yung mga taong bashers na mga walang mukha?

“So mas prioirty ko ang kaligayahan ng anak ko, mas importante sa akin si Ria kaysa mga basher. Ngayon may kasabihan nga, kapag inggit, pikit,” sabi pa ng aktres.

Naikuwento rin ni Sylvia na dahil super proud siya sa anak ipina-frame niya ang kalenderyo nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …