Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Ruru Madrid Mikee Quintos Paul Salas

BiancaRuru, Mikee, at Paul magpapakilig sa The Write One

RATED R
ni Rommel Gonzales

DALAWA ang nagbabalik-tambalan sa telebisyon sa upcoming series ng GMA na The Write One.

Una ay ang sikat na loveteam noong dekada 80 nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Dating mag-asawa, nanatali naman ang pagkakaibigan nina Lotlot at Monching lalo pa nga at co-parenting sila sa mga anak nila na sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine Gutierrez.

At sa The Write One ay mag-asawa ang papel nina Lotlot at Monching.

Ipinakilala rin sa katatapos lamang na story conference ng series ang mga bida sa The Write One na sina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga kapwa magkarelasyon sa tunay na buhay.

Ang isa pang muling magkakasama sa isang proyekto ngayon ay ang “loveteam” nina Kokoy de Santos at Royce Cabrera na unang nagkasama sa controversial movie na Fuccbois noong 2019.

Samantala, unang beses naman ito na magkakapareha sina Bianca at Ruru sa isang project.

Sanay kami na kaming dalawa ang pahingahan ng isa’t isa, eh. Hindi kami sanay na kaming dalawa ‘yung trabaho ng isa’t isa, and things are gonna change,” sinabi ni Bianca.

Nagkatrabaho na sina Mikee at Paul sa The Lost Recipe ng GMA Public Affairs pero hindi sila magkatambal pero sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay naging mag-asawa sila.

Promise na talagang gagawin namin ang best dito,” sinabi ni Paul tungkol sa pagsasama nila sa The Write One.

It’s something new for me, but that jump also comforted with the fact na ito ang ensemble na kasama ko,” pahayag naman ni Mikee.

Kasama rin sa cast sina Yvette Sanchez, Kaloy Tingcungco, Mon Confiado, Art Acuna, Analyn BarroEuwenn Mikael, at Alma Concepcion.

Ang The Write One ang unang collab ng GMA at Viu na ipo-produce ng GMA Public Affairs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …