Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola Bugso Sid Lucero

Ayanna Misola, sobrang daring sa Bugso ng Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAS na ngayon sa Vivamax ang pelikulang Bugso na tinatampukan nina Sid Lucero, Hershie de Leon, at Ayanna Misola.

Ipinahayag ni Ayanna ang kaibahan nito sa mga pelikulang nagawa na niya before.

Sambit ng sexy actress, “Heavy drama po siya, bagong kuwento naman po ang mapapanood dito sa Bugso. Plus, ibang Ayanna naman ang makikita nila sa movie.”

Pahabol ni Ayanna, “Sobrang daring ng mga ginawa namin dito! Sobrang willing po ako gawin lahat para sa eksena sa movie naming ito nina Sid at Hershie. Dahil sabi ko nga po, kakaiba kasi talagang project itong Bugso.”

Nabanggit pa ng hot na hot na Vivamax actress na kakaibang challenge sa kanya ang pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Adolfo Borinaga Alix, Jr.

“Dito po sa Bugso, sobrang challenging lalo na ‘yung mga sexual positions na makikita nila rito, lahat bago sa akin ito.

“Tapos dito ko lang din po na-experience magkaron ng different partners sa love scenes, kasi usually ‘yung leading man ko lang e. Pero dahil kailangan at kasama po sa kuwento, so game talaga ako sa lahat ng dapat gawin para mas mapaganda ang movie po namin,” sambit ni Ayanna.

Si Ayanna ay isang high-class prostitute dito na kailangang makaipon ng pera para makasama na ang kanyang anak sa probinsiya. Pero kailangan niya itong pagplanohan nang maigi dahil hindi madaling makawala sa kanyang boss.

Si Sid ang lover at driver ni Estella (Ayanna). Hindi niya masyadong ramdam na mahal din siya ni Estella pero tinutulungan niya ito sa lahat ng bagay pati sa kanyang planong makauwi ng probinsiya. Pero bago pa sila makakilos, may isang tao ang papasok sa kanilang buhay. Si Hershie ay si Baby, isang prosti rin na inilayo nina Estella at Dado sa bayolenteng customer.

Pinatuloy nila si Baby sa kanilang bahay. Aakitin naman nito si Dado na siguradong pagsisimulan ng malaking gulo.

Bukod sa pagtataksil, may mas matindi pang haharapin sina Estella, Dado, at Baby, na maglalagay sa kanila sa peligro. Tutukan lang sa Bugso sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …