Monday , December 23 2024

Tulfo dalawang beses na-bypass ng CA
DSWD MAY BAGONG OIC USEC PUNAY ITINALAGA

122822 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario


ITINALAGA
ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Undersecretary Eduardo Punay bilang officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinompirma ito ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa isang kalatas kahapon.

Hinirang si Punay bilang officer-in-charge ng DSWD matapos ang dalawang beses pag-bypass ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni Erwin Tulfo bilang kalihim.

Sa confirmation hearing ay kinuwestiyon si Tulfo hinggil sa kanyang US citizenship at conviction sa isang libel case.

Ayon kay Garafil, may hiwalay na pahayag kaugnay kay Tulfo ang ilalabas ng Palasyo sa mga susunod na araw.

Bago napunta sa DSWD si Punay ay isang award winning journalist ng pahayagang The Philippine Star.

Ayon sa Palace memorandum, binigyan ng kapangyarihan si Punay “to ensure that the day-to-day activities of the DSWD is managed effectively, efficiently and economically, including the signing of administrative issuances, contracts, memoranda of agreement, or official documents necessary to carry out the objectives, policies and functions for the efficient and effective operation (of the DSWD), consistent with the authority granted to an OIC under existing laws, rules and regulations.”

Inatasan din si Punay na ipagpatuloy ang “ongoing projects, programs and activities of the DSWD, including the procurement and disbursement of funds, but is not authorized to enter into contracts or agreements involving new programs and activities.”

Bilang OIC,  puwede niyang I-renew ang mga kontrata ng contractual o casual employees, gayondin ang job order at contractual service workers upang matiyak ang pagpapatuloy ng operasyon ng DSWD.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …