Friday , November 22 2024
MMFF Cinemas

Mga sinehan dinagsa ng tao, MMDA acting chair nagalak

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWA ang mga picture na ibinahagi sa official Facebook page ng Metro Manila Film Festival(MMFF) kahapon na nagpapakita ng pagdagsa ng mga tao sa mga sinehan noong Disyembre 25, Linggo, sa mga sinehan. 

Anila, maaga pa lang ay dumagsa na sa mga sinehan ang mga tao para panoorin ang walong entries sa MMFF 2022. Tila nasabik nga ang publiko sa mga panooring Pinoy tuwing Kapaskuhan. Isang magandang indikasyon iyon na unti-unti nang nagbabalik sa mga sinehan ang publiko.

Sa official statement na ipinalabas ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes sa unang araw ng MMFF, sinabi nitong siya’y lubos na nagagalak sa napakagandang resulta ng unang araw ng pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF

Hiling niyang sana’y magpatuloy pa ang pagdagsa ng tao sa mga sinehan hanggang Enero 7 para matulungan ang industriya sa unti-unti nitong pagbagon na unang naapektuhan ng Covid-19 pandemic. 

Narito ang kabuuan ng official statement ni Atty. Artes. 

“Ako, kasama ang buong pamunuan ng Metro Manila Film Festival, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa walong pelikulang bahagi ng MMFF 2022 sa unang araw pa lamang nito kahapon, Araw ng Pasko. 

Labis naming ikinagagalak ang suportang ipinamamalas ng publiko sa MMFF, base sa mahahabang pila sa mga sinehan hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa Luzon, Visayas, at Mindanao. 

Hiling namin ang inyong patuloy na suporta hanggang sa pagtatapos ng MMFF sa January 7. 

Sa pamamagitan nito ay matutulungan natin ang unti-unting pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. 

Muli, maraming salamat sa lahat at mabuhay ang pelikulang Pilipino!

#mmda #mmff #MMFF2022 #mmff2022baliksaya  #MMFFBalikSaya.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …