Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison

8 buwan nakulong sa Iloilo aktibista nakalaya sa piyansa

MATAPOS ang walong buwang detensiyon, nakalaya ang isang beteranong aktibista sa isla ng Panay mula sa isang piitan sa bayan ng Pototan, lalawigan ng Iloilo.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Panay, pinalaya si Elmer Forro, secretary general, noong Miyerkoles, 7 Disyembre, sa Iloilo District Jail, sa nabanggit na bayan.

Nilagdaan ni Judge Redentor Esperanza mula sa isang korte sa bayan ng Janiuay, Iloilo ang order ng pagpayag sa paglalagak ng piyansa ni Forro para sa kasong murder.

Inaresto si Forro noong buwan ng Mayo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa paratang na pagkakasangkot niya sa isang enkuwentro noong Abril 2020 sa Lambunao, Iloilo na ikinamatay ng isang sundalo ng Philipping Army.

Pahayag ng Bayan-Panay, “Notoryus ang PNP at AFP sa paggawa ng mga aktibista gamit ang mga pekeng testimonya at mga itinanim na ebidensiya.”

Pinasinungalingan ng grupo ang mga paratang ng Philippine Army na para sa kanila ay isang pagtatangka para patahimikin sila.

Ayon sa grupo, wala si Forro sa Lambunao at nasa ibang lugar para sa isang medical mission sa mga urban poor.

Pansamantalang pinalaya si Forro ilang araw bago ang komemorasyon ng International Human Rights Day noong Sabado, 10 Disyembre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …