Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang alaga na si Paolo Contis, na kuha sa kanyang ospital room, nang bisitahin siya ng aktor kamakailan.

Post ni Manay Lolit, “Naku Salve ha, nagulo na naman ang dialysis session ko. Kasi nga pag dinadalaw ako ng mga alaga ko, pa picture lahat sa room, kalokah!”

Aniya, infairness naman lahat ng alaga niya gaya ni Paolo ay very friendly kaya ok lang sa mga ito ang magpa-picture taking at pagkaguluhan ng kanilang fans.

Hanga rin si Manay Lolit sa physique ngayon ni Paolo dahil fit na fit ang aktor.

“Mukhang very stable siya ngayon. Talagang mukha siyang happy at contented, kaya sinuman ang love niya ngayon good influence sa kanya,” sey pa ng talent manager/kolumnista.

Dagdag pa niya, “At palagay ko ito ang inspiration na matagal nang hinihintay ni Paolo Contis. Clue Salve at Gorgy, ibigay na natin, ang lucky girl, si Yen Santos. Bongga!”

Although masaya si Manay Lolit na naaalala siyang dalawin ng kanyang mga alaga sa ospital, pero hanggat maaari ay ayaw niya sana.

“Actually , parang gusto ko maiyak pag nakikita ko sila sa room ko sa dialysis treatment. Alam ko na puno din sked nila pero isinisingit parin nila ang pagdalaw sa akin.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …