Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Youtube Silver Play Button

Silver Play Button sa YT natanggap na
BONG MAMIMIGAY NG P1-M, 2 KOTSE, 5 MOTOR

NATANGGAP na ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang YouTube SILVER PLAY BUTTON dahil sa dami ng subscribers sa kanyang YouTube channel.

Naantala ang pagkilala mula sa YouTube dahil halos dalawang taon nang nagkaroon ito 100K subscribers.

Sa ngayon, 264K plus na ang subscribers niya at patuloy pang dumarami.

Matagal ko na itong hinihintay, pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag hawak mo na ‘yung kahon, unti-unti nang binubuksan hanggang mahawakan ko na ‘yung SILVER PLAY  BUTTON.

“Taos-puso ang pasasalamat ko sa lahat ng subscribers na nakatutok palagi sa akin… maraming salamat sa inyong lahat,” nakangiting pahayag ni Sen. Bong.

Dahil dito, tiniyak ng aktor/politiko na mas marami pang sorpresa ang ihahanda niya para sa kanyang channel sa mga darating na araw at sa mga nais pang sundan siya sa https://www.youtube.com/@BongRevillajrph.

Sa mga hindi pa naka- subscribe, click na at makisaya! I-click ang notification bell para laging updated.

“Join na sa ating Road to 1 Million Subscribers para sa YouTube Gold Play Button!” pahayag pa ng tsinitong Senador.

Samantala, “Gusto ba ninyong maging Instant Milyonaryo?”

Tanong  ni Revilla sa bago niyang Amazing Pamasko ni Pogi na gagawin sa Disyembre 17 at 18, Sabado at Linggo, 4:00 p.m..

Magbibigay si Bong ng P1-M, dalawang kotseng Suzuki S, at limang motorsiklo. May 1000 kalahok din ang mananalo ng tig-P1,000 at marami pang sorpresa at cash prizes.

Mag-submit ng entry sa

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdeJlcDZTAGapumGnXZ1FfWmrpia3NJhkWhYpBnH2Xy_r39pQ/viewformhanggang 11:59 ng gabi, sa Disyembre 11.  Malaki pa ang pagkakataong makasali.

Para makasali sa #AmazingPamaskoNiPogi, siguruhing naka-follow at subscribe sa kanyang Official Facebook Page, YouTube Channel, Instagram, at Tiktok account.Kailangan  ito sa pagsali sa raffle.

Malay n’yo, ito na ang pagkakataon para maging milyonaryo. Basta tutok lang,” sambit pa ni Bong. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …