Tuesday , December 24 2024
Bong Revilla Jr Bayanihan

Bong tuloy-tuloy ang bayanihan

HALOS hindi na nagpapahinga si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. dahil sa sunod-sunod na dagok ang dumating sa bansa at halos hindi pa nakakaporma ay may kasunod na namang trahedya kaya kabi-kabila rin ang ginawa nitong Bayanihan Relief Operations sa mga nasalanta.

“Halos isang buwang wala tayong pahinga dahil sa walang tigil nating pagresponde at pamamahagi ng tulong at ayuda sa sunod-sunod na kalamidad sa bansa dulot ng sunog, lindol at ang pinakamatindi ay ang pananalasa ng Bagyong Paeng” saad ni Bong.

Nagsimula ang trahedya noong Oktubre 16  ng madaling araw nang maglagablab ang malaking bahagi ng Damata Letre, Barangay Tonsuya, Malabon City na may 168 pamilya at 608 inidibidwal ang nawalan ng bahay at nagsilikas sa evacuation center.

Hindi pa humuhupa ang usok ay agad nang nagresponde si Bong at naabutan pa ang mga bumbero na binabasa ng tubig ang mga posible pang sumiklab kasabay ang pamamahagi ng Family Food Packs, relief pack, at cash sa mga nasunugan.

Kasabay nito ay humagupit naman ang Bagyong Neneng kaya hindi pa  nakapagpapahinga si Bong ay agad na namang nagtungo sa Cagayan para sa panibagong Bayanihan Relief operation dahil marami sa kanila ang nasa evacuation center pa dahil sa Bagyong Maymay ilang araw lang ang nagdaan.

Umabot sa 2,003 pamilya ang naapektuhan samantalang nasa 6,911 katao naman ang nagsilikas at kasalukuyang nasa evacuation centers kaya muli ay namahagi sila ng Family Food Packs at kaakibat na relief packs.

Sa gitna nang pamamahagi ay isang residente ang yumakap sa aktor/politiko na nagsabing siya pa lamang ang senador na dumating sa kanilang lugar para magdala ng tulong noong panahong iyon.

Ilang araw ding nagpabalik-balik ang grupo ng senador sa iba’t ibang bayang nasalanta sa naturang lalawigan at halos patapos pa lamang ang isinasagawang Bayanihan Relief operation ay dumating naman ang Bagyong Paeng na nanalasa noong Oktubre 29.

Kasagsagan ng pagbuhos ng ulan ni Paeng ay nag-umpisa nang umikot si Bong sa mga lugar na kasalukuyang tumataas ang tubig at paghupa ng ulan ay agad silang tumakbo sa Kawit at Noveleta, Cavite para personal na makapagbigay ng saklolo sa mga residente na mas matindi ang sinapit na trahedya kaya binigyan dins ila ng Family Food Packs, relief packs at iba pang tulong.

“Malaki ang ating pasasalamat sa ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) na agad na nagtungo sa lalawigan ng Cavite para pangunahan ang pagpapaabot ng kanyang tulong sa mga nasalanta” ani Revilla.

Bahagi pa ng Bayanihan Relief operation ay ilang araw nilusong ni Revilla ang baha sa Brgy. Panapaan 3-4, Brgy. Aniban 2, Brgy. Aniban 3, Brgy. Aniban 4, Brgy. Aniban 5, Brgy. Ligas 2, Brgy. Ligas 3 at Brgy. San Nicolas 1 sa Bacoor City para magdala lang ng ayuda.

Nasundan pa ito ng pagdating ni Vice President Sara Duterte na naging katuwang ni Bong sa pamamahagi ng tulong sa General Trias at Imus, Cavite na punompuno rin ng mga taong naghihintay ng tulong dahil marami sa kanila ang nawalan ng tahanan at ang iba ay sa mga kaanak at evacuation center nanunuluyan.

Nitong nagdaang Biyernes ay sinuyod naman ni Revilla ang mga nasalanta sa ilang barangay sa Zamboanga City para dalhan ng ayuda at kasabay nito ay ininspeksiyon din ang nawasak na floodway sa Brgy. Sta. Maria bilang siya ang Chairperson ng Senate Committee on Public Works.

Pagkaraan ay dumiresto na ito sa Bgy Kushong, Datu Odin Sinsuat, Maguindao del Norte para inspeksiyonin ang tulay na nasira gayundin ang daan-daang residente na nawalan ng tahanan dahil sa grabeng pagbaha kaya lahat ay binigyan din ng Family Food Packs, relief packs, at cash.

Mainit ang naging pagsalubong kay Revilla ng mga tao, at isang lola nga ang mas inuna pang pisilin ang kanyang mukha dahil sa panggigigil sa halip na tanggapin  ang iniaabot na food packs at pera–na ayon kay Revilla ay nakakawala ng pagod.

May isang teacher pa na saglit na nakalimutan ang pagiging teacher dahil matapos hawakan ni Revilla ang kamay ay hindi magkamayaw sa saya sa kabila ng kanilang sitwasyon at agad pa niyang ikinalat sa social media ang tuwang-tuwa niyang karanasan.

“Nakatutuwa na bukod sa dala nating tulong sa bawat lugar na ating puntahan ay may mga kababayan tayong nabibigyan ng karagdagang kaligayahan dahil sa pagiging artista natin at mahalaga na sa kanila ang saglit na pakikipagkamay, pagyakap, at magpapakuha ng litrato” dagdag pa ni Revilla.

Pagkagaling sa Sultan Kudarat ay panibagong Bayanihan Relief operation naman ang isinagawa ni Revilla sa Aklan dahil umabot din sa 8,182 pamilya at 29,638 ang nasalanta doon dulot ng bagyo na karamihan ay nagsilikas at nasa evacuation center na dahil nawalan ng tirahan.

Sa Balete, Aklan ay pinagkaguluhan din si Bong nang pumasok ito sa covered court na isinagawa ang pamamahagi ng Family Food Packs, relief packs, at financial assistance sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng bagyo.

Hindi pa tumitigil ang pawis ni Bong ay isinunod naman nito ang Antique at inisa-isa   ang mga bayan ng San Jose, San Remigio, Belison, Hamtic, Patnongon, Sibalom, at maging ang mga reservist ng Armed Forces of The Philppines (AFP) at grupo ng mga PWD (People With Disability) ay nabigyan ng Family Food Packs, relief packs, at cash.

Sa pagtungo sa mga lugar na ating binisita, kitang-kita natin ang katatagan ng mga Filipino. Sa pamamagitan ng bayanihan, isang angking katangian natin ay makakaahon din tayo sa mga dumaang unos, gayundin sa mga maaaring dumating pa” sabi pa ni Bong.

Samantala, tiniyak ni Revilla na patuloy pa rin ang mga isasagawang Bayanihan Relief operations sa marami pang lugar para mas mapabilis ang pag-ahon ng mga naapektuhan ng kalamidad. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …