Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca Dimples Romana Sean de Guzman Tiffany Grey

Dimples pinuri ang pagiging propesyonal ni Sean

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA sa official entry sa darating na MMFF 2022 na magsisimula sa December 25 ang pelikulang My Father, MySelf, mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Entertainment, at idinirehe ni Joel Lamangan.

Bida rito si Sean de Guzman at Jake Cuenca. Kasama rito si Dimples Romana, na gumaganap bilang asawa ni Jake. Isa rin sa cast dito si Tiffany Grey.

Masaya si Dimples na nakatrabaho niya ulit sina direk Joel at Jake.

Sabi ni Dimples sa grand presscon ng My Father, Myself, “I’m super, super happy. I’m happy kasi I got to work with Direk Joel and Jake again and this time nakatrabaho ko na rin si Tiff and si Sean.

“I love Jake, para ko na siyang kapatid. So it really makes me happy to see na ang dami niyang work today. Sobrang professional ni Jake, talagang ibibigay ko sa kanya iyan.

Puring-puri rin ni Dimples si Sean.

“Ang cute-cute ni Sean, ang bait-bait ng batang iyan. At saka tahimik lang iyan sa set pero pagdating ng eksena namin, ready na siya. Mas nauna pa nga siya maging ready kaysa akin.”

R-18 ang binigay na rating ng MTRCB sa My Father, MySelf kung kaya’t di ito mapapanood ng mga bata at hindi maipalalabas sa SM Cinemas. 

Gayunman, inirerespeto ni Dimples ang naging desisyon ng MTRCB.

Ako naman, that’s beyond my work siyempre, and tayo inirerespeto natin all the authorities na siyempre na there’s censorship.

“Kagaya naman ng sinabi ng head of our ship na si Direk Joel, we always respect that.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …