Tuesday , December 24 2024
shabu

 ‘Shabu’ pinalitan ng tawas tulak patay sa boga ng ‘suki’

ISANG hinihinalang kawatan at tulak ng ilegal na droga ang binaril at namatay sa katanghaliang tapat nitong Biyernes, 25 Nobyembre, sa Purok Kingfisher A, Brgy. 16, lungsod ng Bacolod, matapos magbenta ng pekeng shabu nitong Huwebes, 24 Nobyembre.

Kinilala ng pulisya ang pinaslang na ‘tulak’ na si Mark Christian John Luceño, 31 anyos, residente sa Brgy. 35, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Maj. Ramel Sarona, hepe ng Police Station 1, nakaupo si Luceño sa isang pedicab nang dumating ang isang lalaking sakay ng motorsiklo saka biglang binaril ang biktima sa kanyang ulo na agad nitong ikinamatay.

Lumabas sa imbestigasyon na nakipagtalo ang biktima noong Huwebes sa kanyang ‘suki’ na nagreklamong binentahan ng tawas imbes shabu.

Ani Sarona, kabilang ang biktima sa kanilang drugs watchlist at may mga nakatalang kaso ng pagnanakaw sa Brgy. 16, 35, at sa iba pang kalapit na barangay.

Nabatid na dati nang nakulong si Luceño at kalalaya pa lamang.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …