Thursday , August 14 2025
itak gulok taga dugo blood

Kapitbahay nag-amok babae pinugutan, pamangkin tinaga

PATAY ang isang babae matapos pugutan ng ulo, habang sugatan ang kanyang pamangkin nang tagain ng amok na kapitbahay sa Purok Himaya, Brgy. Maquiling, lungsod ng Sagay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Sabado, 26 Nobyembre.

Kinilala ang napaslang na biktimang si Gelly Recodo, 58 anyos; at kanyang sugatang pamangkin na si Bernalyn Abranilla, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Dian-ay, Escalante.

Ayon kay P/Lt. Col. Roberto Indiape, Jr., hepe ng Sagay MPS, dahil sa galit, kaya nagawa ng suspek na kinilalang si Randy Maniego, 35 anyos, ang krimen kay Recodo dahil bigong maibigay ang kanyang parte sa pinagbentahan ng kalabaw na 12 taon inalagaan.

Ani Indiape, hiningian ng suspek ng P10,000 si Recodo matapos maibenta ang kalabaw ngunit P2,000 lamang ang natanggap ni Maniego.

Na-depress umano ang suspek at plinanong patayin ang biktima isang gabi bago ang krimen.

Nabatid na naunang tinaga ng suspek si Abanilla na tinamaan sa kanyang kamay.

Nagawang makatakbo ng mga biktima ngunit nadapa si Recodo at nang maabutan ni Maniego ay kanyang tinaga ang suspek sa batok.

Iniwan ng suspek ang katawan ni Recodo sa taniman ng tubo habang bitbit ang ulo at naglakad patungong sementeryo.

Nang makita ito ng mga residente, agad silang humingi ng tulong sa pulisya.

Naaresto ang suspek ng mga tanod ng barangay nang mahuling inilagay ang ulo ng biktima sa isang krus sa sementeryo habang narekober ang itak na ginamit sa krimen.

Nakatakdang sampahan ng mga kasong murder at frustrated murder si Maniego.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …