Tuesday , May 7 2024
Jeric Gonzales

Jeric naghahakot ng tropeo sa int’l film festivals

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

DAHIL sa sobrang abala si Jeric Gonzales sa mga trabaho niya sa showbiz ay naghanda ang mga taga-production ng Broken Blooms sa pangunguna ni Dennis Evangelista ng isang intimate solo presscon sa aming alaga na ipinagmamalaki namin after what he had gone through.

Finally ay unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ni Jeric after nga sa mga pinagdaanan niya na kahit kami ay apektado pero hindi kami bumitiw bagkus suporta ang ibinigay namin sa kanya. Maraming magagandang bagay na naranasan namin kay Jeric lalo na sa gitna ng opandemya.

First lead role ni Jeric ang Broken Blooms kasama ang magagaling na actor gaya nina Jaclyn Jose at Therese Malvar

Hindi pa man naipalalabas dito sa Pilipinas ay maraming award na ang natanggap ni Jeric mula sa iba’t ibang international film festivals gaya sa Harlem International Film Festival sa New York, Mokkho IFF, at Tagore IFF sa India, Montellupo Florentino IFF sa Italy. Lahat ‘yan ay Best Actor ang nakuha ni Jeric. 

Kaya dream come true ang manalo ng award at hindi lang isa huh. Sayang nga lang wala siya roon para tanggapin ang mga award na ‘yan. 

Sa Broken Blooms na idinirehe ni Louie Ignacio ay isang physical therapy student si Jeric na maagang nag-asawa kay Therese  at agad naging tatay. Nataon na pandemic kaya hirap sa buhay. Naging jobless at pinasukan ang pagiging masahista para kumita. 

First time ang role niya as a married man. Talagang ginalingan niya ang arte niya at nag-paid off naman. 

Nagpapasalamat siya sa kanyang director, producer, at kay Evangelista na siya ring nag-produce ng Hustistya ni Nora Aunor. 

Bukod kay Therese, nanay naman niya si Jaclyn  na parehong magagaling na actor. Kaya na-intimidate siya at naging malaking challenge na maibigay ang galing niya sa pag-arte. May nude scene siya rito at sinabing mahirap iyon para sa kanya pero mas mahirap ang breakdown. Mabuti na lang at naitawid niya lahat after binigyan siya ng acting workshop ni direk Louie.

Dahil sa mga award na nakuha niya, nagkaroon siya ng confidence at ngayon nga ay magagandang feedback ang natatanggap niya sa acting niya sa Start Up PH. 

Malaki ang pasasalamat niya kay Alden Richards na nagrekomenda sa kanya sa role niya bilang Dave. Kahit si Bea Alonzo ay aliw na aliw sa kanya at handa rin siyang tulungan para lalong umangat ang career niya. 

Ang Broken Blooms ay sa Dec 14 ang opening sa mga sinehan. 

About Joe Barrameda

Check Also

CJ Navato Nicole Omillo

CJ Navato at Nicole Omillo ilang beses naghalikan sa isang musical play

MATABILni John Fontanilla HINDI lang pala mahusay umarte kundi napakahusay ding kumanta ng Goin’ Bulilit alumni at …

Sarah Javier

Sarah Javier sunod- sunod parangal sa ibang bansa 

MATABILni John Fontanilla EVERYTHING falls into the right place para sa singer-actress na si Sarah Javier. Super …

Francine Diaz Orange and Lemons

 Francine, Orange and Lemons nagkapaliwanagan nagka-ayos 

MATABILni John Fontanilla NAGKAHARAP na noong Biyernes sina Francine Diaz, Clem Castro ng Orange and Lemons kasama ang kani-kanilang managers …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira mabenta, pelikula mapapanood sa mga sinehan

I-FLEXni Jun Nardo MAGSASAMA sa Regal movie sina Kelvin Miranda at Kira Balinger. Kung tama kami, na-link silang dalawa noon …

Angeli Khang Ivana Alawi

Angeli itatapat kay Ivana  

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS isangkot sa Bea Alonzo at Dominic Roque na kanyang itinaggi, ang pagpatol naman sa indecent …