Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Doc Michael Aragon

Dance Versus Climate Change aarangkada sa National Clean Air Month Celebration 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BILANG pakikiisa sa National Clean Air Month Celebration ngayong taon magtatampok ang Clean Air Philippines Movement, Inc.. ang Anti-Climate Change event ng Dance Versus Climate Change (From the Philippines to the World) na eksklusibong mapapanood sa ALLTV channel 2.

Idineklarang National Clean Air Month ang  November sa bisa ng Presidential Proclamation 1009 series of 1997  kasabay ang pagsasagawa ng isang contest para sa climate change awareness.

Sa pangunguna ni Dr. Michael Aragon, ang founding chairman ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) at presidente ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI), magaganap ito sa November 30, sa Scout Borromeo sa Quezon City na magsisilbi ring closing event ng month-long clean air month.

Ngayong taon, si First Lady Liza Marcos ang nahirang na “Champion” kahilera ang mga dati nang napili na sina Sen. Grace Poe (2016), Vice President Sara Duterte (2017), Sec. Art Tugade (2018), Sec. Roy Cimatu (2019), Sen. Manny Pacquiao (2020), Sec. Isidro Lapena (2021).

Ang Dance Versus Climate Change (From the Philippines to the World) ay magkakaroon ng Costume With Dance challenge na ang grand prize ay P30,000 na ipagkakaloob sa best dance na may full costume.

Lahat ng contestants ay rarampa sa kalye at sasayaw sa loob ng 25 minuto kasabay ang marathon judging. Ang best dance interpreter ng nasabing awit ay mananalo ng P30,000.

Ang cosplay contest na pagandahan ng costume ay makakatanggal ng P30,000.

Para sa costume contest maaaring mananalo ng P20,000 ang 1st place, P15,000 sa 2nd place, P10,000 sa 3rd place habang ang consolation prizes ay P2,000 at P1,000 each.

Ang sponsor ng event na ito ang ay Offshore Mining Chamber of the Philippines (OMCPI) na si Dr. Aragon din ang chairman, Philippines Gateway to the Blue Economy  via Clean & Ggreen Offshore Mining Technology).

Ani Dr. Michael, “Ang OMCPI ay mining in the oceans that are the raw materials of electronics and renewable energy devices that the world needs to fight climate change. OMCPI is the pioneer in this technology in the Philippines.”

Samantala, ang Jazz Clean Air Band o Banda Makinis na Hangin ay magdaraos naman ng concert sa Nov. 30 kasama ang Clean Air Singing Ambassadors na sina Bb. Pilipinas Ali Forbes at Singing Diva Cess Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …