Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang Jay Manalo Selina’s Gold

Angeli Khang pinagpasasaan ni Jay

GRABE sa pinakagrabe para sa amin ang mga ginawang lovescene at paghuhubad ni Angeli Khang sa pelikulang Selina’s Gold na napapanood na sa Vivamax kasama sina Gold Aceron at Jay Manalo.

Subalit napansin namin na kahit ganoon katindi ang mga lovescene, paghuhubad, at mga obscene dialogue, inalagaan pa rin siya ng direktor nitong si Mac Alejandre. Nangibabaw pa rin kasi ang galing umarte ni Angeli kaya makakalimutan mong sobra-sobra ang ginawang pagpapakita niya ng katawan at ginawang kahalayan kasama sina Gold at Jay.

More intense nga ang mga dialogue at mahihirap ang mga linya dahil period movie ang Selina’s Gold, kaya malaki ang pasasalamat ni Angeli na tinulungan siya ni direk Mac.

“Thanks to Direk Mac as he really guided me kaya nagawa ko ‘yung mga mahihirap na scenes required from me.

“Since third time na namin ito ni Kuya Jay Manalo, I’m now very comfortable with him. This is the sexiest work we’ve done so far. Sa trailer pa lang, marami nang na-shock,” ani Angeli na umaming umaasa siyang darating ang panahong makakawala rin siya sa paggawa ng mga bold movie.

Ang Selina’s Gold ay ukol kay Selina (Angeli) na ibinenta ng sariling ama para ipambayad utang kay Jay. Sapilitang pinaalis si Selina sa kanilang bahay para magtrabaho sa matandang mayaman na sakim at abusado na si Tiago (Jay).

Paulit-ulit na pinagsasamantalahan ni Tiago si Selina, hanggang sa mapilitan na lang ang dalaga na tanggapin na ito na ang kapalaran niya at pilit na pinakikisamahan ang matandang mayaman. Hindi na namin idedetalye kung ano-ano ang pinaggagawa sa kanya ni Tiago dahil kakaiba talaga. Nakadagdag pa ang mga bastos na salita habang ginagamit ni Tiago si Selina. 

Malupit si Tiago lalo na kay Domeng (Gold), ang bulag na katulong niya na nakikinig tuwing nagtatabi at nagtatalik sila ni Selina. 

Ani Direk Mac, “The story is based on whispered tales tungkol sa panahon ng Hapon, ng giyera. It was a harsh time for Filipinos. Karamihan sa atin kumapit sa patalim para mag-survive. ‘Yun ang inspiration. 

“Matagal na itong story na ito pero hindi ko magawa-gawa. Until Viva asked me to re-pitch it to them. This time, sinuwerte. Nabigyan ng go signal,” anang direktor na kapuri-puri ang ganda ng pagdidirehe at pagkakagawa ng pelikula bagamat maliit lamang ang kanilang budget.

Samantala nasabi pa ni Angeli na bagamat sobra-sobra ang pagpapakita niya sa Selina’s Gold, nakatitiyak siyang mas mapapansin ang pagiging aktres niya. “Hindi ko rin po tinitignan ‘yung aspect na ‘yan. Ang gusto ko lang po makagawa ng magandang pelikula at maging better actress.”

Napapanood na ang Selina’s Gold sa Vivamax. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …