MA at PA
ni Rommel Placente
MAY bagong alaga ang Merlion Events Productions at TEAM (Tyrone Escalante Artists Management). Ito ay ang talented na si Tera. Hindi lang kasi siya isang singer, kundi isa ring composer at mahusay ding sumayaw, huh!
Ipinakilala siya sa entertainment press noong Martes ng gabi. At dito ay nasaksihan namin kung gaano siya kahusay kumanta at sumayaw.
Ang first single ni Tera titled Higher Dosage ay siya rin ang sumulat.
“Higher Dosage is a song I wrote in 2019. No matter what your age, gender, or nationality is, everyone has a struggle that they’re enduring. This song reflects that darkness,” sabi ni Tera tungkol sa kanyang kanta.
Tinanong namin siya kung sino ang mga paborito niyang local and foreign singers, ang sagot niya ay sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Beyonce at ang namayapang si Michael Jackson.
Ang pinakapaborito niyang kanta ni Leah ay ‘yung The Journey at si Michael naman ay ‘yung Don’t Stop Till You Get Enough.