Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia Janella Salvador kissing

Laplapan nina Joshua at Janella trending 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang kinilig at nagtatalon sa sorpresang inihatid nina Joshua Garcia at Janella Salvador nang maghalikan ang dalawa noong Lunes sa primetime series na  Mars Ravelo’s Darna.

Trending ang eksenang nagtungo si Black Brian (Joshua Garcia), ang “extra” na nag-i- impersonates sa totoong police officer na si Brian Robles sa opisina ni Regina (Janella) para bigyan siya ng red rose sabay sabing, “Sabi mo sa akin hindi ba liligawan mo ako. Hindi puwede sa akin ‘yon. Gusto ko lang sabihin sa iyo na ako na ang gagawa nun para sa ‘yo,” at saka bigla siyang hinalikan niBlack Brian.

Ang Mars Ravelo’s Darna ay idinidirehe nina Avel Sunpongco at Benedict Mique na napapanood mula Lunes-Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, iWantTFC, TFC, TV5, at A2Z.

Bago ang trending kissing scene, nagkaroon na ng tangkang paghalik si Regina kay Bryan. Hindi lamang iyon natuloy dahil hindi pumayag si Bryan na mahalikan siya ng lasing na si Regina. Ayaw din ni Bryan na isiping pinagsasamantalahan niya si Regine dahil sa kalasingan nito. 

Nagulat naman si Narda (Jane de Leon) nang ibalita ni Regina na naghalikan sila ni Brian. Sinabi rin nitong in love siya sa police officer noon pa man. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …