Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Start-Up

Bea nagbahagi ng payo para kay Dani

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPAKARAMING viewers at netizens ang nakare-relate sa karakter ni Bea Alonzo sa   GMA drama series na Start-Up PH.

Ayon kay Danica “Dani” Sison, patuloy ding nagsisikap ang mga Pinoy dahil sa paghahangad ng mas maayos na buhay para sa sarili at lalo na para sa pamilya.

Sa panayam kay Bea kamakailan, nagbahagi siya ng short but sweet advice para sa karakter na kanyang ginagampanan.

Payo ng Kapuso actress kay Dani, “Just keep going, never give up!”

Bukod sa pangarap ni Dani na maging isang CEO, nais din niyang huminto na ang kanyang lola tulad ni Lola Joy (Gina Alajar) sa pagtitinda upang mas maingatan nito ang kalusugan.

Noong nabubuhay pa ang ama niya na si Chito (Neil Ryan Sese), pangarap ng kanyang ama na maging matagumpay upang mabigyan ng masaganang buhay ang kanyang pamilya.

Ngunit sa kasamaang palad, ilang taon matapos silang iwan ni Alice (Ayen Munji-Laurel) at Ina (Yasmien Kurdi), pumanaw ang ama ni Dani.

Simula noon, mas naging matibay ang loob ni Dani sa bawat hamon ng buhay.

Ang Start-Up PH ang kauna-unahang serye ni Bea bilang isang Kapuso.

Bukod sa tinaguriang This Generation’s Movie Queen, napapanood din sa programa bilang lead stars sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, award-winning actress na si Yasmien Kurdi, at award-winning actor na si Jeric Gonzales.

Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ipinalalabas ito ng 11: 00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …