Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Bawal Judgmental

Bea nagbagi ng blessings

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI nakapagtatakang inuulan ng biyaya si Bea Alonzo, marunong kasi siyang mag-share ng blessings.

Tulad na lamang kamakailan na naging guest siya sa Eat Bulaga! at naglaro sa Bawal Judgmental portion ng noontime program.

Sa halip na iuwi ang napanalunang P50K nitong Sabago ay ibinigay ni Bea ang pera sa apat na taong kasali bilang pagpipilian na tamang sagot sa naturang segment.

Apat na ulila na sa magulang ang choices na nakaharap ni Bea sa Bawal Judgmental at isa-isa niyang napakinggan ang mga nakaaantig na kuwento ng mga ito.

Sa first round, kinailangang hulaan ni Bea kung sino sa apat na choices ang ulilang lubos sa edad na 14 o mas bata pa.

Tama naman ang naging hula ni Bea kaya’t hindi nabawasan ang kanyang guaranteed money na P50K.

Naantig ang damdamin ng Start-Up PH actress sa mga narinig niyang kuwento mula sa apat na choices.

“Maraming-maraming salamat dahil pinag-guest niyo ako rito at narinig ko ‘yung mga istorya nila at grabe ang bigat.

“Pero I have to say very inspiring din kasi sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan niyo, napakatapang at napaka-strong niyo na mga tao at kitang-kita ko pa rin sa mga mata niyo ‘yung kindness kahit ang dami nang challenges sa buhay niyo.”

At dahil dito ay nagdesisyon si Bea na ibigay sa apat ang kanyang prize money.

“Dahil diyan gusto ko ring i-share ‘to sa inyo, para sa inyo ‘to hindi ito para sa akin,” ani Bea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …