Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 8)

 INUUGA NG KALABAN ANG P’WESTO NI MAYOR RENDEZ DI SIYA MAKAPAPAYAG NA MADISKARIL

Ngunit sinasabi ng mga taong nasusuklam kay Mayor Rendez na para umanong balik-karma sa alkalde ang pagkalulong sa bisyong droga ng kaisa-isa nitong anak na si Jimboy.  Sunod ang luho at layaw sa buhay, hindi miminsan nasangkot ang binata sa iba’t ibang uri ng kalokohan, lalo’t nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

Maruming laro ang politika. Pinerso-nal si Mayor Rendez ng kalaban nitong kandidato sa kabilang partido. Pinatulang muli ng midya ang luma nang isyu.Ikinawing sa droga ang sunud-sunod na insidente ng paghalay at pagpatay sa tatlong kababaihan. Isang magandang nursing student na nagngangalang “Lerma Montes” ang pinakahuling biktima. Sa imbestigasyon ng pulisya ay isinalaksak sa bibig ng dalaga ang isang kuwarenta’y singkong baril at saka kinalabit ang gatilyo.

“Pilit inuuga ang pwesto ko. Pinagmumukha akong inutil,” pag-aaburido ni Mayor Rendez sa harap ng ipinatawag na hepe ng pulisya, si Kernel Leon Bantog. “Ang hampas sa ‘yo, latay sa mukha ko.”

Kunot-noo, naitanong ng hepe ng pulisya ng bayan:  “A-ano’ng gusto mong gawin ko, Meyor?”

“Kahit ano!”

Kahit ano? Saglit na natigilan si Kernel Bantog.

“Yes, Meyor!” anito sa  pagtayo sa kinauupuang silyang nakaharap kay Mayor Rendez. (Itutuloy bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …