Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Gonzales Alden Richards

 Jeric aminadong insecure kay Alden 

I-FLEX
ni Jun Nardo

TUMATANAW ng utang na loob ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales kay Alden Richards.

Sinabi ni Jeric sa podcast ni Nelson Canlas na malaking bahagi si Alden kaya napabilang siya sa cast ng RC adaptation ng Start Up PH series ng GMA na nagsimula last Monday.

“Nawalan na ako ng pag-asa sa career ko. That time na nasangkot ako sa (video) scandal, pinili kong tumahimik. Gusto ko nang mag-back out sa showbiz!” sabi ni Jeric.

Eh noong bagong salta siya sa showbiz, insecure siya kay Alden na mabangong-mabango ang career. Kapwa taga-Laguna sina Jeric at Alden at produkto ng male pageants sa probinsiya.

“Pero naging mabait si Alden sa akin. Tinutulungan niya ako at naiiyak ako sa mga tulong niya. Kaya nga malaking utang na loob ko ang mapasama sa ‘Start Up’ dahil sa kanya,” sabi pa ni Jeric.

Si Jeric ang makakabangga ni Alden sa mabibigat na eksena nila sa Stat Up PH.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …