Sunday , December 22 2024
Lolong Ruru Madrid Gawad Pilipino 2022 Icon Awards

Lolong waging Best Primetime Serye 

RATED R
ni Rommel Gonzales


PATULOY sa pag-ani ng tagumpay ang Kapuso adventure-serye na Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid

Kamakailan ay kinilala ang programa bilang ‘Best Primetime Serye’ sa Gawad Pilipino 2022 Icon Awards. Ito ang kauna-unahang award na na nakuha ng top-rating na show na kinabibilangan din nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, at Paul Salas.

Nagbubunga na ang hard work at dedication ng cast at production team. Bukod sa pamamayagpag nito sa ratings, heto nga’t wagi na ito bilang Best Primetime Serye. Pawang magaganda rin ang feedback na nakukuha ng Lolongtungkol sa husay ng mga cast at ganda ng kuwento ng show.

Wala yatang episode na walang paandar ang serye. Ito ngang mga susunod na tagpo ay dapat talagang abangan. Kung kailan kasi nagkakamabutihan na sina Lolong (Ruru) at Elsie (Shaira), gagawa na naman ng gulo itong si Martin (Paul). Naku, paano na kaya haharapin ni Lolong ang mga Banson gayong nalaman na ni Armando (Christopher) na maaaring maging isang Atubaw ang isang tao kapag nasalinan siya ng dugo mula sa punong buwaya?  

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …