Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Toni Gonzaga

Pagpuna ni Ogie sa song & dance ni Toni minasama ng netizens

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBIGAY ng pagpuna si Ogie Diaz na constructive criticism naman sa kinalabasan ng song and dance number ni Toni Gonzaga sa pagbubukas ng ALLTV. Dahil dito ay binash siya.

Pero sinagot ni Ogie ang kanyang bashers sa pamamagitan ng vlog nila ni Mama Loi na Showbiz Updates.

“O, bakit ako iba-bash? Pangit ba ‘yung sinabi ko?” simula ni Ogie.

“Constructive criticism po ‘yung akin. Si Toni ay kilala ring singer. Big deal sa mga singers ang sound system. Ang kanilang reinforcement, sa sound system. Gusto nila maganda ‘yung tunog,” dagdag pa niya.

Baling ni Ogie kay Mama Loi, “‘Pero Loi, siyempre naiintindihan naman natin ‘yan eh. Nag-uumpisa pa lang naman ‘yung show. Kaya siyempre sa mga susunod ay mag-eexpect tayo ng mas magandang sound system para maganda ‘yung audio ni Toni.” 

Nabanggit din ni Ogie na walang masamang tinapay sa kanila ni Toni lalo na at kumare pala niya ito.

Magkumare po kami ni Toni. Inaanak po ni Toni ‘yung ikatlo kong anak. ‘Pag nagkikita kami ni Toni para lang kaming mga sira ulo. Chikahan kami ng bongga. At saka jusko, ano ba hindi naman masama ‘yung sinabi ko. I’m sure laman ‘yan ng kanilang meeting.” 

Aniya pa, nagsisimula pa lamang ang pagsasa-ere ng mga programa sa AMBS2 kaya naman nangyayari ang mga ganoong bagay.

Siyempre, there’s always room for improvement.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …