Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zeinab Harake Rhea Tan

Zeinab at Ms. Rhea, bilib sa mabangong hininga

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PORMAL na sinasalubong ng Beautéderm Corporation ang social media star na si Zeinab Harake bilang brand ambassador ng oral care products nito gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray.

With over 50 million followers across such platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube, isa si Zeinab sa pinakaimpluwensiyal na personalidad sa social media dahil sa kanyang mga lifestyle vlogs at challenge videos na talaga namang paboritong paborito ng mga netizens ‘di lamang dito sa Filipinas ngunit sa buong mundo na rin.

Isang stellar addition si Zeinab sa constellation of stars ng Beautéderm na patuloy na isinusulong ang mga kamangha-manghang produkto ng brand na kinabibilangan ng skin care essentials, health boosters, home fragrances, iba’t ibang klase ng mga sabon, at marami pang iba.

“Lumalaki na talaga ang Beautéderm family natin at ang saya saya,” sabi ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Aniya, “Sinasalubong namin si Zeinab sa aming pamilya at welcome na welcome na addition siya sa pagkalat namin ng mensahe ng pagmamahal ng Beautéderm sa kanyang 50 million fans online. I am so grateful for the love and support of all my ambassadors who remained loyal to Beautéderm after all these years and I am excited to be with our new ambassadors and have an exciting adventure with them in the years to come.”     

Ipinahayag ni Zeinab, essential sa kanya ang mga oral products na ito.

“Essential ko talaga itong mga Beautederm products, ‘yung Koreisu toothpaste at Etré Clair mouth spray. Itong toothpaste na ginagamit ko, puwede talaga siya sa mga bata… and kailangan siyempre kapag endorser ka, number one na unang nagte-test niyan ay ikaw. So ginagamit talaga namin ito sa bahay and after kong mag-toothbrush ay ginagamit ko naman ay mouthwash.

“Sa totoo lang, itong toothpaste, kapag kumain ako, kung ano iyong stain sa ngipin ko, kapag ginamit mo ang toothpaste na ito, kapag nag-wash ka ng water, makikita mo talaga iyong stain.” 

Dagdag ni Zeinab, “And essential talaga sa bag ko, hindi mawawala itong spray sa bag ko. Para kahit saan, kumain ka, nag-coffee ka o kahit sinong makaharap mo ay hindi ka maiilang, para mabango lagi ang hininga mo. Dapat ay laging mabango ang hininga mo, next level na nga po tayo, ‘di ba? Dati ay jologs- jologs lang ako at hindi ko alam iyan, nagma-matured na po tayo kaya kailangang alagaan talaga.

“And ito namang gargle, maganda sa throat… sa totoo lang after mong mag-gargle ay mararamdaman mo talaga.”

Nagbigay ng dagdag kaalaman ang lady boss ng Beautederm na si Ms. Rhea. “Ang products po natin ay all natural. Sa atin walang ingredients na artificial, sa atin natural. Eto pansinin n’yo, mag-gargle ka bago matulog, paggising n’yo hindi ka amoy laway, napakaganda ng product na ito.

“Itong products na ito puwede i-share sa mga anak natin na maliliit, ito para sa buong pamilya na, I’m  sure lagi kayong good breath with our oral products.

“Ito ay manufactured sa Japan, dinadala na lang dito at pinapa-check sa FDA bago natin ilabas sa market,” nakangiting wika ni Ms. Rhea na nabanggit din na ang kahulugan ng Koreisu ay ‘for a bright and happy smile.’

Para sa karagdagang impormasyon sa Beautéderm at pati na rin sa mga kapanapanabik na balita ukol sa mga brand ambassadors nito, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at TikTok; sundan ang @beautédermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm sa YouTube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …