UMABOT sa 350 pinauwing overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, Martes ng gabi, sakay ng chartered flight ng Philippine Airlines flight PR8764.
Ayon sa Manila lnternational Airport Authority (MIAA) ang nakauwing OFWs ay tinulungan ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pagdating sa airport.
Sinabi ng DMW, ang mga OFW na hindi kompleto ang bakuna ay dadalhin ng ilang araw sa mga quarantine facility habang ang ilan sa kanila ay tutulungan dahil sa iba’t ibang kondisyon ng kalusugan.
Ilan sa mga repatriated OFWs ay inaresto dahil sa overstaying o pagtatrabaho gamit ang mga expired na visa.