Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Honeymoon’ nina Ryan at Juday, sa beach na lang gagawin (Dahil sa pagkakasakit kaya naunsiyami…)

SA premiere ng Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap? namin nakausap ang kagagaling lang sa banig ng karamdamang si Ryan Agoncillo.

Isa siya sa mga bida ng nasabing pelikula with Ms. Rustica Carpio, Bobby Andrews and Jackielou Blanco, mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes na mapapanood saSineng Pambansa All Masters Edition mula September 11-17, 2013 sa lahat ng SM Cinemas nationwide.

Medyo mahina pa nga raw siya. At kitang-kitang bumaba ang kanyang timbang.

“The platelets are normal. Kaya lang, nagkaroon ako ng pneumonia kaya medyo humina pa rin ang resistensiya. So, kalahati ng September, absent ako sa ‘Eat…Bulaga!’. Pero nakakapag-bisikleta na uli ako. Sana, next Monday makasama ko na ulit ang Dabarkads.”

Kumusta ag naunsyaming ‘honeymoon’ nila ni Juday (Judy Ann Santos)?

“Itutuloy pa rin po. Hopefully by end of September. Pero rito na lang. Inaayos na namin ang booking. In a beach somewhere. Isang week-end lang siguro.”

Has he made a decision kung saan na siyang network mapapanood ng mga tao?

“Malamang this week. I know for sure, GMA-7 has an offer. Sa TV5 din. Sa ABS-CBN, floating. I have work with the three and I have made friends with the people in every station. Now, with Juday, it doesn’t follow na where I go, siya rin or vice-versa. She will make her own decisions regarding din her contract. Kung sa TV5 pa rin ako, and they say na ibabalik pa rin ang ‘Talentadong Pinoy’, excited ako to make a comeback. If Juday naman and I are doing a show together, hindi ko pa rin alam kung ano ang decision niya and kung saan.”

Pero, nasaan ba talaga ang puso niya?

“Na kay Juday!”

Loyalty.

“Nasa trabaho ko ang loyalty ko. Maganda naman ang naging track record ko with the three stations. After five years with ‘Talentadong Pinoy’ na nagsimula ako sa ‘Pinoy Idol’ maraming opportunities ang nabuksan. ‘TP’ deserves a break. Siyempre, sa pinagsamahan namin, I would like to work din with the same people.”

Sa pelikula naman now, mahusay ang performance ni Ryan bilang bunsong kapatid nina Jackielou at Bobby na may mahalagang desisyong kailangang gawin, lalo na sa kanilang yaya (Rustica).

“It’s an honor to work with a great actress, si Ms. Rustica. Nakakadala sa mga scene. At ang lambot-lambot ng kamay niya. It’s an ensemble. And I am so happy to get a chance to work with them. Yeah, noong maliit ako, I also had a yaya. Pero nag-asawa rin siya.”

May reaction ba siya about Dabarkads Wally Bayola?

“I just hope he’s okay with his faily. Huwag na tayo sumawsaw at makidagdag.”

Isa na lang—how’s his sex life (parental guidance is adviced)? Nakaapekto ba ang dengue?

And Ryan gave up the thumbs up sign.

“Okay na okay!”

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …