Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, ngayon lang naramdaman ang importansiya sa TV5 (Dati raw kasi’y isa lamang siyang plain employee)

HUMARAP si Sharon Cuneta sa launching ng mga bagong shows ng  TV5, ang Weekend Do It Better, sa  SM Megamall. Kasama niya si  Ogie Alcasid sa upcoming  musical show na The Megastar and the Songwriter.

Mas maganda ang aura ng Megastar kung ikokompara sa mga pagharap niya noon sa ilang presscon niya sa Kapatid Network. Kaya naman pala mas happy na raw siya ngayon.

Naging malaman ang pagsasabi niya ng, “In my two years as a Kapatid star, I’ve never been this happy.”

Nang ipadetalye sa kanya kung  ano ang ibig niyang sabihin ay ipinaliwanag niyang mas nararamdaman daw kasi niya ngayon ang importansiya niya bilang artista.

“I was 17 years old when I did ‘GMA  Supershow’  and  everybody  knows naman na singing  is  my  first love. When this musical show was  offered to me, sobrang naging emotional ako.”

Naiyak pa nga raw siya. Mas nararamdaman din daw niya ang  pangangalaga ng network sa kanya sa pangunguna ng bagong COO for Entertainment na si Ms. Wilma Galvante.

Nagkaroon daw siya ng nanay-nanayan na masasabihan ng kaniyang saloobin.  Ngayon mas nagkaroon din daw ng direksiyon ang kanyang career. Dati raw kasi ay ramdam niyang isa lamang siyang plain employee.

Coleen, bagong inspirasyon ni Billy ( Super sweet nga raw ang dalawa… )

MALABO raw na si Andi Eigenmann ang babaeng bagong   nagpapatibok sa puso ni Billy Crawford dahil si Coleen Garcia raw  talaga ang bagong inspirasyon ng binata.

Paanong  magiging si Andi ay very much happy daw  ito sa nakabalikang nobyo na si Jake Ejercito.

Very sweet naman daw ang TV host at ang co-host niya sa It’s Showtime na si Coleen.

Samantala, nagsalita naman na si Nikki Gil sa break-up nila ni Billy.

Differences in values  lamang ang sinabi niyang dahilan.

Nagpapasalamat naman siya sa mga nag-alala sa kaniya at nagpakita ng suporta. Very much okay na raw siya ngayon.

Mildred bacud

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …