Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janelle Tee Ana Capri Joey Reyes

Janelle Tee ikinompara ni direk Joey kay Ana Capri

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI naman nakapagtataka kung malaki ang paghanga ng award-winning veteran director na si Joey Reyes sa isa sa bida ng kanyang pelikulang An/Na, si Janelle Tee.

Bukod sa pagiging palaban at walang inuurungan si Janelle matalino rin ito. Kaya nga naniniwala ang batikang direktor na malayo ang mararating ng sexy star at dating beauty queen sa showbiz industry dahil sa pagiging professional nito at taglay na talento sa pag-arte.

Bago ang An/Na nakatrabaho na ni direk Joey si Janelle sa Secrets at dito pa lang ay kinakitaan na niya ng propesyonalismo, galing, at talino ang aktres. Sa bagong Vivamax crime series gumaganap si Janelle bilang si Anna Clemente.  

Sa isinagawang mediacon, natanong ang direktor ukol kay Janelle at wala itong kagatol-gatol na sinabing nakikita niya sa kanyang bidang aktres ang premyadong sexy actress na si Ana Capri at sinabi pang “thinking actress” si Janelle.

“Ana Capri was not only sexy but she is qualified as a good actress, a very good actress. And I think what made Ana very different from the rest of her generation was that she was a thinking actress.

“In other words, she was not going to take off her clothes and then think that that is a performance. For her, she was using her body to express a character,” ani Direk Joey.

Sinabi pa ni direk Joey na, “Nangangahulugan na she can do so much more than what is being ask from her now. And I really hope she will be given the opportunity to go beyond what she is doing now.

“I love Janelle. She will last because she can do so many things, she is versatille, from beauty queen to now, actress. She got what it takes,” sambit pa ng direktor.

Ang An/Na ay ukol sa isang simpleng empleado ng iba’t ibang produkto ang ibinebenta, hindi nga lang sapat ang kinikita nito para tustusan ang kanyang pangangailangan. Tumutulong siya sa pamilya ngunit hindi nakababayad ng tama sa kanyang upa. Mapipilitan siyang maghanap ng “easy money” at ito ay ang pagpasok sa prostitusyon. Sa pagsiping niya sa iba’t ibang lalaki, paano nila maaapektuhan ang buhay ni Anna? May patutunguhan pa kaya ang relasyon niya sa kanyang long distance boyfriend na si Guido (Greg Hawkins)?

Kasama rin sa pelikula sina Guji Lorenzana, Rob GuintoFabio Ide, Micaella Raz, CJ Jaravata, Axel Torres, Azi Acosta, at Clara del Rosario. Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa September 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …