Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zoren Legaspi Lianne Valentin Maricel Laxa Mikee Quintos

Zoren pumalag, Apoy sa Langit may aral

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGTATAPOS na sa ere ang Apoy Sa Langit sa Sabado, September 3, at natanong si Zoren Legaspi kung ano ang “maiwan” niya sa audience sa pagwawakas ng kanilang serye?

“It’s gonna end with a bang! It’s not just gonna end like, na parang nawala lang ‘yung show, no. Kung  nag-enjoy sila from the beginning in the midlle, mas mag-e-enjoy sila rito sa huli because it’s gonna end with a big bang, fireworks, etcetera.

“Kaya kaming buong cast hanggang ngayon eh hindi pa kami maka-move on dahil very attached kami hindi lang sa isa’t isa kundi sa show mismo.

“Na-attached kami kay direk, because si direk Laurice (Guillen) she showed us something that she, na hindi niya ipinakikita sa mga ibang show. At nakita namin ‘yun sa kanya.

“Kung ang mga character namin dito ay may transition, ‘yung personal naming character nagkaroon din ng transition sa loob noong lock in [taping] namin.

“Gaya ng EP [executive producer] din namin, hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on.

“So lahat kami nalulungkot but we have a great run, it’s a great show, maraming natuwa.”

May mensahe naman si Zoren sa ilang mga nagsasabi na walang aral na napupulot sa Apoy Sa Langit.

I’d just like to correct some of the viewers na nagsasabing walang aral ‘yung show, there is! Mayroon. You just have to open your eyes para maintindihan mo.

“For example ‘yung pag-ibig ni Stella kay Cesar may aral doon. Hanggang kailan mo siya ipaglalaban? Hanggang kailan, hanggang kailan ka magtitiis?”

Si Stella si Lianne Valentin sa Apoy Sa Langit.

“‘Yung pagmamahal naman ni Mariz kay Gemma as a friend, ‘di ba?”

Gumaganap si Mariz Ricketts bilang si Blessie na kaibigan ni Gemma (Maricel Laxa).

“So lahat ‘yan may aral, you just have to open your eyes, naiinis lang sila dahil sa karakter ni Stella and ni Cesar.

“But you know hindi naman sila mahu-hook kung hindi nila napi-feed ‘yung mental nila and ‘yung emotional nila. So they won’t get hooked with the show kung hindi naibibigay ng direktor ‘yung feed na ‘yun.

“So, napi-feed ‘yung brain nila at saka ‘yung puso nila kaya nahu-hook sila.

“Kahit naman kami nahu-hook, ako nahu-hook ako, I need to watch it everyday. Kahit noong Gala Night ng GMA nandoon ako sa parking lot nanonood ako. Muntik pa nga akong masagasaan, binawalan na lang ako ni Cassy (anak niya),” ang tumatawang kuwento pa ni Zoren.

“So iyon, well it’s not over yet, panoorin n’yo araw-araw, marami pa kayong mapapanood na magagandang mga eksena.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …