Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
George Clooney Sofia Andres Joshua Garcia Maja Salvador

Joshua, Sofia, at Maja naki-bonding kina George Clooney at iba pang Hollywood stars

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUONG akala ko’y foreign actress ang kasama ni George Clooney sa isang picture na nakita ko sa Facebook kahapon. Hindi ko kasi agad nabasa ang caption. Hindi pala kundi si Sofia Andres. Hindi ko agad nakilala ang aktres dahil foreign na foreign ang dating niya. Ang ganda-ganda.

Ayon sa caption ng isang pahayagan, nakipag-selfie si Sofia sa Hollywood ator nang makasama ito sa isang golf event sa Switzerland.

At hindi lang pala si Sofia ang naka-bonding at nakapagpakuha ng picture kay George, maging sina Joshua Garcia at Maja Salvador ay nakasama ang naturang Hollywood star.

Sina Joshua, Sofia, at Maja ay kabilang sa mga Filipino celebrity na dumalo sa  isang luxury watch brand. Kasama ni Maja ang kanyang fiancé na si Rambo Nunez habang si Sofia naman ay ang boyfriend na si Daniel Miranda.

Bukod kay George na-meet din nina Joshua, Sofia, at Maja sina Anthony Anderson, Glen Powell, at Paul Wesley. Ito’y ayon na rin sa mga socmed post nila.

May mga picture rin sila na kuha sa isang golf event na in-organize ng nasabing luxury watch brand.

Umani ng napakaraming likes and comments at napa-sana all ang mga netizen sa pa-selfie ng mga artista sa mga Hollywood star. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …