Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Nora Aunor

Allen Dizon, dream come true na makasama sa pelikula si Nora Aunor

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBINALITA ni Allen Dizon sa kanyang Facebook account na gagawa sila ng pelikula ng National Artist na si Nora Aunor.

Ayon sa award-winning actor, dream come true ito para sa kanya. “Contract signing for our new movie With Ate Guy our National Artist… dream come true to work with Ms Nora Aunor…maraming salamat po,” masayang lahad ni Allen.

Isang horror film ang pagsasamahan nina Nora at Allen na pinamagatang Ligalig. Pumirma na recently ang dalawa sa AQ Prime para sa nasabing proyekto.

Makakasama nila rito sina Snooky Serna, Winwyn Marquez, Devon Seron, Shido Roxas, Yana Fuentes, at iba pang contract artists ng AQ Prime. Ang pelikula ay pamamahalaan ni Topel Lee.

Kahapon ang first day shooting ng Ligalig, ayon sa manager ni Allen na si Dennis Evangelista.

Ngayon pa lang ay maraming Noranians na ang nag-aabang sa pelikulang ito. Pati mga tagasubaybay ni Allen ay excited na rin dito.

Matindi kasi ang kombinasyong Nora-Allen, na kapwa mga premyado at kinikilala, pagdating sa pag-arte.

Noong 2019, naudlot ang dapat sana ay unang pagsasama nina Allen at Ms. Nora sa pelikula, via Jesusa. Ngunit tinanggihan ito ng Superstar and eventually ay napunta ang role sa isa pang equally talented actress, si Ms. Sylvia Sanchez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …