Thursday , May 8 2025
e-Sabong
e-Sabong

Jobless dumami sa suspensiyon ng e-Sabong

BUKOD sa pananalasa ngpandemyang dulot ng CoVid-19, naniniwala ang mga taga-industriya na malaki ang naging epekto ng suspensiyon ng e-sabong sa bilang ng mga jobless sa bansa.

Sa Labor Force  Survey ng PSA nitong Hunyo 2022, lumitaw na mahigit sa 2.9 milyong Filipino ang jobless. Karaniwan sa kanila ay galing sa maliliit na negosyo tulad ng retail online o direct sales.

Ayon sa Nagkakaisang Samahan ng Game Fowl Feed Millers at Agri-vet Suppliers, P19 bilyon ang napilay sa kanilang industriya dahil sa suspensiyon ng e-sabong.

Sa panig ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines, Incorporated (UACOOP), ang pinagsamang bilang ng mga full time at part time employed sa cockpit operation ay higit sa 1.5 milyon. Sa allied farm industry gaya ng feed millers at agri-vet supplier ay may 265,000 employed.

Ayon sa UACOOP, simula noong Mayo ay wala nang 10% ang natirang may trabaho.

Ang mga online betting stall na maraming workers sa kasagsagan ng popularidad ng e-sabong ay nawalan na rin ng trabaho.

Ilan rito ay mga tauhan ni Elvira Tan. “‘Yung mga tauhan ko. Walo sila. Lahat tinanggal ko na kasi ano pa ibabayad ko sa kanila,” sabi Tan, may-ari ng online betting stall sa Quezon Avenue sa Quezon City. 

“Wala, hikahos talaga sila. Kung makikita lang ninyo, halos hindi na sila kumakain, kukurutin talaga puso n’yo. Naawa ako kasi wala naman silang ginawang masama o nilabag na batas tapos sila ngayon nagdurusa,” aniya.

Sa kasagsagan nito, ang e-sabong industry ay tinatayang nakalilikom ng P650 milyong kita kada buwan para sa PAGCOR.

Hindi bababa sa P1.37 bilyon ang nakolekta mula sa pitong licensed e-sabong operators mula Enero hanggang 15 Marso 2022.

Nang ipasara ang e-sabong, tinataya ng PAGCOR ang revenue loss hanggang P5 bilyon sa taong 2022.

About hataw tabloid

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …