Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jane de Leon Darna Vilma Santos

Jane kinilig, nagulat sa mensahe ni Ate Vi — Nasa ‘yo ang bato pangalagaan mong mabuti

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GULAT at excitement ang nakita namin kay Jane de Leon nang magbigay ng mensahe ang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa grand mediacon ng Mars Ravelo’s Darna noong Lunes ng gabi.

Si Jane ang bagong Darna samantalang sinasabing si Ate Vi ang pinakasikat na naging Darna. 

Si Darna ay isang local heroine na nilikha ni Mars Ravelo — babaeng matapang at handang ipagtanggol ang sinumang nangangailangan. I’m lucky enough na makagawa ng apat na ‘Darna,’” umpisa ni Ate Vi sa mensahe kay Jane na kitang-kita ang pagkakilig ng batang aktres nang tawagin ang pangalan ni Ate Vi para sa bideo message.

“‘Yung pagiging Darna, relevant ‘yan, eh, lalo na ngayon na napupuno tayo ng challenges sa buhay.

“‘Yung character niya ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao, and faith that everybody can be Darna. As long as you’re willing to help other people, you’re considered a hero,” sabi pa.

Maraming nag-aasam na maging Darna. Icon na ‘yung character. Malaking, malaking karangalan ‘yan para sa isang artista na tulad ko na makaganap bilang isang Darna.

“Ngayon, Jane, na ikaw ang napiling Darna, bigyan mo sila ng inspirasyon na mayroon pa ring pagmamahal, mayroon pa ring tiwala, at mayroon pa ring pag-asa. Ang daming humawak ng batong ‘yan.

“Ngayon, Jane, na sa ‘yo ang bato. Pangalagaan mo iyang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon. I wish you all good luck. Nandito lang ako to support you,” paalala at payo ni Ate Vi.

Nanawagan din ang veteran actress na subaybayan ang pagiging Darna ni Jane, “Ako po si Ate Vi, ang Darna ng mga nakaraang henerasyon. At ngayon po, inaanyayahan ko kayong suportahan ang Darna ng bago nating henerasyon, si Jane de Leon,” anito.

Lumipad bilang Darna si Ate Vi sa apat na pelikula mula 1973 hanggang 1980 — ito ay sa Lipad, Darna, Lipad,Darna and the Giants, Darna vs the Planet Women, at Darna at Ding.

Natatawang napipipi naman si Jane nang hingan ng reaksiyon ukol sa mensahe ni Ate Vi. Anito, “Ang aga ha! Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga nagtitiwala.

“Actually, hindi ko ini-expect na mayroon akong message from Tita Vilma Santos. Gagawin ko ang best ko para sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat po. Ang aga! Hindi ko in-expect.”

Ang Mars Ravelo’s Darna ay idinidirehe ng premyadong filmmaker na si Chito Roño kasama sina Avel Sunpongco at Benedict Mique. Lilipad na ito sa August 15 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …