Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na palabas na sa Vivamax ngayong August 5.

Ayon sa sexy actress, kakaibang papel ang ginampanan niya rito at kakaibang Rob Guinto ang mapapanood sa kanya.

Aniya, “Sa akin po sobrang naging challenging itong movie na Purificacion, kasi ay may eksena rito na kailangan akong isabit, hahaha! So, medyo… as in takot kasi ako sa mga heights and iba rin ito sa past movies na nagawa ko. Kasi, parang naipakita ko rito iyong talent ko sa acting na kakailanganin para sa movie na ito.”

Gaano siya ka-sexy sa pelikulang ito?

Saad ng aktres, “Hindi kasi ako masyadong nagpa-sexy rito and thank you kay Direk GB, kasi ay hinayaan niya ako na ipakita ang talent ko or iyong ibang talents na kaya ko pang gawin dito sa movie na ito.”

Idiniin ni Rob na mas gusto niya na acting ang ipakita sa kanyang pelikula kaysa skin or pagpapa-sexy.

“Oo naman po, oo naman… Mas gusto kong makita ng mga tao na hindi lang pagpapa-sexy ang kaya kong gawin, na kaya ko rin mag-iba-iba ng genre.”

Pero, hindi pa rin ba niya iiwan ang pagpapa-sexy sa pelikula?

“Hindi naman po, open pa rin naman po ako na tumanggap ng mga sexy projects, Kasi iyon nga, siguro ay isa rin ito sa stepping-stone ko para magawa ko ‘yung gusto ko,” nakangiting sambit niya.

Kapag natapos na siya sa pagpapa-sexy, ano ang career path na gusto niya?

Wika ni Rob, “Siguro ang pinaka-ano ko rito, kapag nagawa ko na ang best ko and kapag hinanap-hanap na, ang akin naman kasi, basta tumatak na ako sa mga tao, na parang iyon ‘yung pinakahuli kong pagpapa-sexy.”

Bukod kay Rob, ang Purificacion ay tinatampukan nina Cara Gonzales, Josef Elizalde, Ava Mendez, Kat Dovey, Stephanie Raz, at Quinn Carrillo. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk GB Sampedro.

Sa liblib na baryo ng Santa Monica, naging malapit na sa puso ng mga tao ang pari na si Fr. Ricardo Purficacion (Josef). Hinahangaan dahil sa kanyang magandang pag-uugali at dedikasyon at pagmamahal sa lokal na simbahan, role model para sa marami si Fr. Ricardo. Pero sa likod ng maamo nitong mukha at mabuting pagkatao ay ang madilim niyang sikreto.

Sa pagdami ng mga report sa mga nawawalang kababaihan, magsisimulang mag-imbestiga si Police Inspector Gabriela Isidro (Cara) at pilit na hahanapin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.

Hihingi pa ito ng tulong kay Fr. Ricardo, sa paniniwalang may magandang reputasyon ang pari at malaki ang maitutulong nito sa kaso. Mapapaikot ni Fr. Ricardo si Gabriela at ililigaw ang direksiyon ng imbestigasyon, hindi rin mamamalayan ni Gabriela na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya sa pari. Malulutas pa kaya ni Gabriela ang kaso at maibubunyag ang katotohanan? O patuloy na siyang mahuhulog sa mapanlinlang na pari?

Produced by Viva Films, mapapanood na ang PURIFICACION sa Vivamax ngayong August 5, 2022.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …