Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman The Influencer

Sean de Guzman, nakaranas ng kakaibang sexperience sa The Influencer

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang pelikulang The Influencer na tinatampukan nina Sean de Guzman at Cloe Barreto. Mula sa pamamahala ng batikang director na si Louie Ignacio, ang pelikula ay mapapanood na sa Vivamax simula sa August 12.

Dito’y nakaranas ng kakaibang sexperience si Sean bilang isang kilalang social media influencer.

Kuwento ng guwapitong actor, “Ang movie po na The Influencer ay tungkol sa isang social media influencer na marami siyang fans, maraming nababaliw sa kanya. Hanggang may nakilala siyang babae… na iyon, na tinikman niya.

“Hanggang sa nagkaletse-letse na ang buhay niya, simula nang dumating ang babaeng iyon sa buhay niya.”

Ano ang reaction niya sa sinabi ni Direk Louie na pinagpawisan nang husto ang award-winning director sa ilang maiinit na eksena nila rito?

Esplika ni Sean, “Iyon ‘yung isang buong araw na puro sex scenes ang kinunan namin, sobrang pagod na pagod ako noon, wala akong kinakausap, nakatungo lang ako, parang… bahala kayo d’yan!”

Aminado si Sean na nanonood din ng porn, nagamit niya ba ito sa pelikulang ito or sa totoong buhay?

“Oo naman, siyempre roon kasi tayo kumukuha ng mga idea e, sa mga ganoong napapanood natin, hahaha!” Nakatawang sambit ng actor.

Kung may isang babae na masyado ang obsession sa kanya, ano ang gagawin niya? “Ako, so far ay wala pa namang ganyan… Babaeng na-obsessed sa akin? Ay parang mayroon na, hahaha! Ako, na-handle ko naman nang maayos, nag-usap naman kami.”

Ang tanong, pinagbigyan niya ba? “Parang oo yata, hahaha! Hindi, joke lang, hahaha!” Masayang saad niya.

Pagbibigyan niya ‘yung babae, tapos ay iiwan niya? “Siyempre malay mo, kung iyon lang ang gusto niya, hindi ba? Joke lang, hahaha! Pero siyempre ay iiwas ako roon, kasi mamaya delikado, e. Baka mamaya kasi ay kung ano ang gawin sa akin, hindi ba? Iba kasi ang takbo ng utak ng mga ganoong tao, e.”

Ang The Influencer ay mapapanood na sa August 12 sa Vivamax. Ito ay mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Kasama rin sa cast sina Elizabeth Oropesa, Tiffany Grey, Karl Aquino, Calvin Reyes, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, at Quinn Carrillo na siyang sumulat ng script nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …