Monday , November 25 2024
PPA DoTr

Appointment ng PPA GM niratsada
DOTr CHIEF SINAGASAAN

TRADISYON sa Filipinas, sa pagpasok ng bagong administrasyon, binibigyan ng honeymoon period o maayos na pagkakataon, upang ipakita ang suporta at tiwala.

Pero ang tradisyong ito ay nasagasaan sa mapanganib na diskarte ng ilang bagong namumuno.

Tinukoy ng ‘isang opisyal,’ ang insidente ay eksaktong tumutugma kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez nang kaniyang ianunsiyo ang pagtatalaga o appointment kay Christopher Pastrana bilang general manager ng Philippine Ports Authority (PPA).

Ang nasabing appointment ay lubha umanong ikinagulat ng dalawa pang miyembro ng screening committee na sina Naida Angping at Anton Lagdameo.

Ang pinakapinagtatakhan ng lahat ay isinabay pa ang anunsiyo nito kay dating PAL president Jimmy Bautista bilang Department of Transportation (DOTr) secretary.

Ang PPA ay isang attached agency ng DOTr na dapat ay nasuri mismo ni Bautista o nakonsulta man lang ang mamumuno rito bilang kortesiya.

Kabaliktaran ito sa ibinigay na kortesiya kay incoming finance secretary Benjamin Diokno na may timbre ang kanyang appointment ng mga pinuno ng Bangko Sentral Pilipinas (BSP), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC).

“Kaya naman sa kaso ng PPA kung lalaliman ang pagsusuri ay malalaman kung sino ba talaga si Pastrana at ang kaniyang business partner,” ayon sa ‘opisyal.’

Si Pastrana ay presidente ng dalawang kompanya — Archipelago Philippines Ferries Corporation at Philippine Archipelago Ports and Terminal Services . Ang archipelago ang nagmamay-ari ng FastCat Ferries, samantala ang Philippine Archipelago ang nag-o-operate ng Port terminals.

Sa dalawang usaping ito, sapat na upang madiskalipika si Pastrana para pamunuan ang PPA o iba pang ahensiya na may kinalaman sa kaniyang negosyo.

Pero tila hindi umano ito ‘nasilip’ ni ES Rodriguez, dahil ang business Partner ni Pastrana na si Dennis Trajano ay bilas ng una.

Hindi lang ‘yan, ang bayaw ni Pastrana na si Rommel Ibuna ay isang Port operator, malinaw na may conflict of interest at asahan na makasisira sa imahen ng bagong administrasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …