Thursday , May 8 2025

‘Additional, unnecessary stressor’
BADOY HINILING TANGGALAN NG LISENSIYA BILANG DOKTOR 

062122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

HINILING ng isang grupo ng mga doktor sa  Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalin ang lisensiya ni anti-communist task force spokesperson Lorraine Badoy bilang manggagamot dahil sa red-tagging.

Sa kanilang reklamo, sinabi nilang nilabag ni Badoy ang code of conduct and ethical standards of the medical profession sa kanyang walang habas na red-tagging, hindi lamang sa kapwa niya health workers kundi pati sa iba pang miyembro ng ibang sektor.

“Her unfounded and baseless claims especially violate the principles of respect for life and for person, and expressly goes against the principle of doing no harm,” anila.

“Therefore, her actions of red-tagging are unethical, and cause substantial harm to the lives not just of the accused, but also their families and those they work with,” dagdag ng grupo ng mga doktor.

Itinuturing si Badoy ng mga complainant bilang ‘additional, unnecessary stressor’ sa health workers na hindi na nga magkandaugaga sa pagtugon sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

“We believe that such conduct and words are deeply unprofessional and form part of behavior so unethical that she deserves the suspension, if not the outright revocation, of her medical license,” sabi ng complainants.

Kabilang sa mga naghain ng reklamo laban kay Badoy ay sina Drs. Eleanor Jara, Maria Magdalena Barcelon, Reynaldo Lesaca, Jr., Edelina de la Paz, Joseph Carabeo, Carol Araullo, Alexis Montes, Benigno Santi II, Ruben Caragay, Violeta Casiguran, Eduardo Gatchalian, Ana Maria Consuelo, Rizalito Ocampo, Edgardo Ulysses Dorotheo, Raymond Joshua San Pedro, Jamie Dominique Dasmariñas, at Merry Clamor.

About Rose Novenario

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …