Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yukii Takahashi

Yukii Takahashi, na-overwhelm sa saya as co-host ng Top Class: The Rise To P-Pop Stardom

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang Tiktok star na si Yukii Takahashi na sobrang saya niya nang maging bahagi ng Top Class: The Rise To P-Pop Stardom na magsisimula na ngayong June 18 sa TV5 at daily via KUMU.

Wika ng magandang aktres/TV host, “Sobrang naging masaya ako lalo na nang nalaman ko iyong mga hosts, parang nakaka-overwhelm. Grabe, kasi pang international ang talents nila, ‘di ba?  So, sobrang naging happy ako na nagkaroon ng sobrang quality na show dito sa Filipinas and I’m gonna be part of it.  So, kailangan na i-level up…”

Sina Yukii at Albie Casiño ang co-host dito. makakasama nila sa Top Class si Catriona Gray as main host. Mga mentor naman sina KZ Tandingan (Vocal), Brian Puspos (Dance), at Shanti Dope (Rap). 

Ano ang masasabi niya kay Albie? Wika ni Yukii, “Ako, sobrang saya po talaga na maka-work ko siya. Kasi, unexpected din naman na naka-work ko si Albie. First time ko lang siyang na-meet and nag-work talaga iyong chemistry namin.

“First time ko lang siyang naka-work pero parang matagal na kaming magkakilala, and how much more in the long run, hindi ba? I’m so happy to work with him and he helps me a lot when it comes to hosting, kasi matagal na siya sa showbiz. Ako baguhan pa lang and still learning.”

Nakangiting pahabol pa ni Yukii, “Kami iyong magpapasaya, parang ice breaker kapag seryoso na. Yeah, we’re having so much fun, sobrang babait ng mga tao and staff.”

Ang 30 Top Class contenders ay binubuo nina Dean Villareal, Bulacan; EL Mendoza, Batangas; LX Reyes, Bulacan; Justine Castillon, Cavite; Kim Huat Ng, Bacolod; Harvey Castro, Bataan; Joshuel Fajardo, Kuwait; Gilly Guzman, Quezon City; Kenzo Bautista, Bulacan; Seb Herrera, Laguna; Denver Dalman, Cebu; Francis Lim, Caloocan; Trick Santos, Caloocan; Jascel Valencia, Manila; Tanner Jude, Quezon City; Jon Laureles, Spain; Clyde Garcia, Ilocos; Matt Cruz, Bicol; Timothy Tiu, Quezon City; Brian Zamora, Makati City; Jeff Cabrera, Cebu; Roj Concepcion, Bulacan; Jai Gonzales, Mandaluyong; Chase Peralta, Katipunan; Dave Bono, Tondo; Ash Rivera, Baguio; JC Dacillo, Bulacan; RZ Condor, Cebu; Niko Badayos, Bacolod; at Gab Salvador, Batangas.

Sundan ang latest happenings ng trainees sa Facebook, Instagram, Twitter  sa @ropclassofc, sa Tiktok naman @topclassofficial, Top Class sa YouTube at topclass sa KUMU. At nasusubaybayan din araw-araw sa @topclassdaily. Powerhouses ang partners ng Top Class sa KUMU, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …