Sunday , July 27 2025
Sabong manok

5 sabungero, nadakma sa tupada

ARESTADO ang limang sabungero matapos salakayin ng pulisya ang isang ilegal na tupadahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala Malabon City police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto bilang sina Roger Versoza, 52 anyos, Lucky Barizo, 25 anyos, Elvin Austerio, 42 taong gulang, Eduardo Yanga, 47 anyos at Zaldy Alianciano, 44 anyos na  pawang residente ng Brgy. Catmon ng  nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PSSg Jeric Tindugan, nakatanggap ng impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) ang mga operatiba ng Malabon Police Intelligence Section tungkol sa nagaganap umanong  tupada sa Hernandez St., Brgy. Catmon.

Agad nakipag-coordinate ang mga operatiba ng Intelligence sa Malabon Police Sub-Station 4 bago pinuntahan ang naturang lugar sa pangunguna ni PLT Glenn Mark De Villa para alamin ang report.

Pagdating sa naturang lugar dakong 3:40 ng hapon, nakita ng mga pulis ang isang grupo ng kalalakihan na nagtutupada na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Narekober ng mga pulis sa lugar ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P3,400 bet money. (Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …