Tuesday , December 24 2024

 ‘Patong’ sa illegal gambling?
QC DPOS OFF’L‘NONG-NI’ NG PASUGAL

052322 Hataw Frontpage

PUMUTOK ang pangalan ng isang opisyal ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na hinihinalang protektor ng patuloy na operasyon ng ilegal na pasugal sa Quezon City.

Ito ay kasunod ng malawakang operasyon kontra sa lahat ng uri ng ilegal na sugal batay sa kautusan ni Quezon City District Director P/BGen. Remus B. Medina.

Ayon sa impormasyong nakalap mula sa opisyal ng  Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng distrito, nabisto na ‘patong’ umano sa operasyon ang DPOS official na pansamantalang hindi muna pinangalanan, matapos maaresto ang mga indibidwal na naaktohang nangongolekta ng ‘pataya’ sa mga komunidad at itinuro ang suspek.

Tuluy-tuloy na pumutok ang pangalan ng itinurong protektor dahil karamihan sa mga naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ay iisa ang ‘sumisingaw’ na pangalan ng kanilang ‘timbre.’   

“Kaya hirap ang pamunuan ng aming barangay na masawata ang operasyon ng ilegal na sugal sa aming lugar dahil sa kaniyang ibinibigay na proteksiyon,” pahayag ng isa sa mga barangay chairman na nakiusap huwag pangalanan matapos humingi ng tulong upang matuldukan na ang pamamayagpag ng ilegal na operasyon sa kaniyang nasasakupan.

“May mga nahuli na dating mga sangkot sa ilegal na sugal sa aming lugar subalit pinakakawalan lang dahil sa kaniyang galamay,” dagdag barangay official.

Dahil dito, lumakas ang panawagan ng mga pamunuang barangay sa lungsod na tutukan ng pulisya ang DPOS official na itinuturong ‘ninong’ ng ilegal na pasugal sa kanilang mga barangay upang maputol na ang pakpak nito sa kaniyang operasyon. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …