Friday , November 15 2024
Gun Fire

Road rage nauwi sa barilan
TRUCK DRIVER PATAY SA ISABELA

ISANG truck driver ang binawian ng buhay matapos barilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa gitna ng mainitang pagtatalo sa kalsada sa Brgy. Fermin, sa lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela, nitong Huwebes, 19 Mayo.

Agad nagsagawa ang mga tauhan ng Cauayan CPS ng manhunt operation laban sa mga suspek sa pamamaril sa biktimang kinilalang si Danilo Bramaje, 42 anyos, isang truck driver.

Ayon sa ulat ng PRO2 PNP, nagkainitan habang nagtatalo ang truck driver at ang isa sa mga suspek na parehong patungo sa direksiyon patungong timog ng kalsada.

Nang makarating sa tapat ng gasolinahang Sea Oil, bumaba ang suspek na nagmamaneho ng itim na motorsiklong walang plaka at ang kanyang angkas na bumunot ng baril saka pinaputukan ang biktimang agad binawian ng buhay.

Narekober ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng krimen.

“Bigla na lang nagkakagulo sa kalsada at doon nalaman namin na may nabaril pala matapos ang umano’y gitgitan at sagutan sa kalsada at lahat nagulat,” salaysay ng isang motoristang nakasaksi sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …