Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rida Robes Arthur Robes

Mag-asawang robes ng San Jose Del Monte City, landslide winner

MALAKI ang naging agwat ng panalo ng tambalan ng mag-asawang Rep. Florida “Rida” P. Robes at Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte City (SJDM) laban sa kanilang mga nakatunggali sa ginanap na halalan nitong Lunes, 9 Mayo 2022.

Humakot ng botong 136,680 si Rep. Robes kaya’t naging malaki ang kanyang lamang sa kanyang katunggali na nakakuha ng 79,000 boto.

Nakakuha ng napakalaking boto na umabot sa 150,394 si Mayor Robes na malayo rin sa nakuhang boto ng kanyang pinakamalapit na katunggali, na 45,000 boto.

Kahapon ay iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mag-asawang Robes, kasama ang mga nanalo na kanilang katiket sa Arangkada San Joseño.

Lubos ang naging pasasalamat ni Rep. Robes sa napakalaking suporta na ipinagkaloob sa kanilang liderato ng mamamayan kasabay ng katiyakang ipagpapatuloy ang mabuting pagsisilbi sa bawa’t San Joseño para sa maayos nilang buhay at magandang kinabukasan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …