Tuesday , July 29 2025

ENDOSO NG INC, MALAKING TULONG – ELEAZAR (Paglobo ng suporta)

PINASALAMATAN ni dating Philippine National Police (PNP) chief at senatorial candidate Guillermo Eleazar nitong Huwebes ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa kanilang pag-endoso sa kanyang kandidatura, at nagpahayag na malaking tulong ito kaakibat ng pagbuhos ng suporta mula sa volunteers sa buong bansa upang ipanalo siya sa gaganaping halalan sa Lunes.

Ayon sa multi-awarded career law enforcement officer, “ang pinakahuling mga survey ay nakapagpapalakas ng loob natin dahil ipinapakita nito na ako ay nasa top twelve, at ang endoso ng INC at ang paglakas ng suporta mula sa mga kaalyado, kaibigan, at mga tagasuporta sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay talagang nakatulong sa amin sa kasagsagan ng kampanya.”

Ang pinakahuling mga survey ay nagpapakitang si Eleazar ay makakukuha ng 10 porsyientong puntos na isinagawa noong kalagitnaan ng Abril.

“Maganda ang momentum ng kampanya natin, at napakasipag ng ating volunteers, kaya sa tingin ko we will be able to make up ground by election day,” ayon sa 2021 Civil Service Commission Presidential Lingkod Bayan Awardee.

“Kapag pinagsama mo ito at ang suporta ng ating mga kapatid sa INC, malaking tulong ito sa kampanya natin para magkaroon ng SIGA –– sipag at galing –– sa senado.”

Ipinunto ni Eleazar, kahit hindi inendoso ng INC ang kanyang kandidato sa pagkapangulo, iginagalang niya ang kanilang desisyon dahil prerogative ng kapatiran at ng mga miyembro nito na suportahan ang mga kandidatong gusto nila.

“Lahat ng grupo, organisasyon, at institusyon ay may karapatang suportahan ang pinaniniwalaan nilang pinakamahusay na kandidato para sa mga elective offices sa bansa. Dapat tanggapin ng mga kandidato at tagasuporta ang mga endorsement na ito kapag nabigyan sila, at igalang kung hindi man,” saad ng taal na taga-Quezon.

“Ganoon tayo sa isang demokrasya. May freedom tayo to choose our leaders, to campaign for who we believe in. Pero sana iwasan natin ang pakikipag-away natin dahil sa politika. We should just be civil and agree to disagree.”

Si Eleazar, recipient ng Cavalier Award ng Philippine Military Academy – ang pinakamataas na parangal na ipinagkaloob sa mga natatanging alumni, ay tumatakbo sa platapormang magtutulak sa four Ks: kapayapaan, kalusugan, kabuhayan, at kabataan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte Bam Aquino

Bam Aquino nanindigan impeachment trial vs VP Sara dapat ituloy
Humingi ng caucus sa mga kapwa Senador

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara …

Scoot Flight TR 369 Plane

Torre vs Baste boxing match sinibatan

HABANG excited sa paghahanda si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, mukhang ‘drawing’ …

PNP Nicolas Torre III Baste Duterte

C/PNP Torre excited sa charity boxing vs Baste Duterte

BUONG TIKAS na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na …

072625 Hataw Frontpage

Kahit sinong voter o taxpayer maaaring kumuwestiyon
4TH TERM SA KAMARA NG MISIS NI SPEAKER ROMUALDEZ DELIKADONG ‘PRECEDENT’ – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team HINDI lamang political opponents, kundi kahit sinong registered voter o taxpayer ay …

Jose Antonio Ejercito Goitia Liza Araneta Marcos

GOITIA BINANATAN ONLINE BLOG NA IDINADAWIT SI FIRST LADY
“Trahedya ‘wag gamitin bilang sandata sa politika.”

MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na kilalang civic organizations, …