Friday , November 15 2024

PLDT at Smart pinabilis ang Bilang Pilipino 2022 elections digital coverage ng TV5

PUMIRMA ng kasunduan para palakasin at pabilisin ang comprehensive election coverage campaign ng TV5, ang Bilang Pilipino 2022 da pinakamalaking telco sa bansa, ang PLDT at ang kapatid broadcast network na TV5.

Sa pamamagitan ng pinirmahang kasunduan, tinitiyak ng PLDT na ang TV5 ay magkakaroon ng mabilis at malinaw na live broadcasting ng mga mahahalagang updates para sa kanilang nationwide coverage ngayong eleksiyon. Kinabitan ang mga headquarter at newsrooms ng TV5 ng mas pinabilis at enterprise-grade na koneksiyon at pinalakas ang kanilang mga fixed facilities upang makapaghatid ng mapagkakatiwalaang balita at impormasyon, at mga entertainment programs para sa mga lokal at internasyonal na manonood. 

Para lalo pang maging maayos ang paghahatid ng balita ng mga Kapatid field news teams, anchors, at mga on-the-field reporters, pakikinabangan din ang extensive na 5G at LTE mobile network coverage ng Smart. Sa pamamagitan ng Smart Postpaid at Smart 5G enabled devices, layuning  pagtibayin pa ng PLDT at TV5 ang mga live coverage updates ng mga on-site reporters at teams na nag-uulat mula sa mga kritikal na lugar sa bansa.

“PLDT has long been a partner of TV5 in delivering digital and media services to Filipinos. We are eager to provide digital support for our Kapatids in their coverage of the national elections, which is proving to be the country’s most pivotal turning point for the coming years,” pahayag ni PLDT at Smart President at CEO na si Alfredo S. Panlilio.

Ang mga teknolohiyang ito ay makatutulong sa TV5 para bigyang kakayahan ang mga Filipino sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng world-class quality na media at entertainment content, mapa free-to-air channel man o sa iba’t ibang digital platforms, at magsilbing inspirasyon sa kanila para maging kaagapay sa nation-building. 

“We are happy to once again be partnering with PLDT and Smart, enabling us to bring to the Filipino homes crucial news and information about this historical event that will be unfolding in our country.  The expertise in technology and services that our kapatids are extending will allow for us to deliver the most comprehensive and immediate coverage of the 2022 Presidential Elections across all our media platforms: TV5, One PH, Radyo5 and News5’s Youtube and Facebook accounts,” sambit naman ng Cignal at TV5 President at CEO na si Robert P. Galang. 

Ang PLDT ay ang nangungunang service provider ng connectivity, ICT, at digital services sa bansa. Kasama ang Smart, binibigyang kakayahan ng PLDT Group ang bansa sa paghahatid nito ng makabago at napapanahong teknolohiya at serbisyo sa mga customer, negosyo, at pampublikong sektor sa pamamagitan ng fixed at mobile connectivity. Kasalukuyang pinatatakbo ng PLDT Group ang pinakamalawak na fiber network sa bansa na umaabot sa 743,700 kilometro at nag-uugnay sa bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang mga proyektong ito ay alinsunod sa layunin ng PLDT at Smart na matulungan ang bansa na makamit ang United Nations Sustainable Development Goals, lalo na ang UNSDG 16 na nanawagan para sa matatag na mga institusyon. 

Ang TV5 ay pagmamay-ari ng MediaQuest Holdings, sa pamamahala ni Manuel V. Pangilinan bilang chairman, sa ilalim ng MVP Group of Companies kasama ang PLDT. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …