Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francisco Martin

American Idol Francisco Martin manghaharana sa Miss Universe Philippines coronation night

RATED R
ni Rommel Gonzales

NASA bansa ngayon ang Filipino-American na si Francisco Martin.

Sumikat si Francisco dahil umabot ito sa top 5 ng sikat na talent search program na American Idol.

Sumali at napabilang sa top 5 finalist si Francisco sa American Idol Season 18 mula noong February hanggang May ng 2020.

Bukod sa mahusay umawit ay maganda ang katawan at guwapo at artistahin ang binata.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na personal na makilala at makapanayam si Francisco sa intimate merienda na ipinatawag kamakailan ng Miss Universe Philippines at Empire.PH ni Jonas Gaffud.

Ang talent manager na si Carlo Orosa naman ang gumawa ng paraan upang maimbitahan ng MUP Organization si Francisco. Magkaibigan sa Facebook sina Carlo at ang ina ni Francisco.

Kakanta si Francisco sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 ng dalawang kanta na siya mismo ang sumulat, isa na rito ay ang Stay na sinadya niyang isulat para sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines.

Tiyak na ikatutuwa ng mga kababaihan na may crush at humahanga kay Francisco dahil single siya ngayon, na sabi nga niya siya ay “ready to mingle!”

Natutuwa nga siya na naggagandahang mga kababaihan na candidates sa Miss Universe Philippines ang palagi niyang nakakahalubilo sa dalawang linggong pamamalagi niya sa bansa.

Unang beses na nakarating si Francis sa Pilipinas at happy and proud siya na maging bahagi ng Miss Universe Philippines bilang guest artist.

Sa San Francisco ipinanganak si Francisco at ang kanyang ama naman ay tubong Nueva Vizcaya at taga-Ilocos Sur naman ang kanyang ina.

Dahil kapos siya sa araw ng pamamalagi sa Pilipinas, baka sa Boracay lamang siya makapagbakasyon, pagbalik niya at saka siya bibisita sa lalawigan ng kanyang mga magulang.

Hindi pa nakapanood si Francisco ng live na beauty pageant, pero kilala niya sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na parehong Miss Universe winners mula sa Pilipinas.

Ayon pa sa binata, super-excited na siya sa performance niya sa Sabado, April 30, sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

Dadalo sa gabing iyon sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (Philippines), Miss Universe 2016 Iris Mittenaere (France), at Miss Universe 2019 Demi Leigh Nel-Peters (South Africa) na magsisilbing mga host ng nasabing event.

Nasa bansa rin ang reigning Miss Universe na si Harnaaz Kaur Sandhu (India) na isa naman sa mga judge.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …