Friday , November 15 2024
Leni Robredo Kiko Pangilinan

Momentum ng kampanya nakuha ng oposisyon
PANANAKOT, RED-TAGGING ‘DI UMUBRA

NAPATUNAYAN na hindi umuubra ang pananakot at red-tagging na ginagawa ng mga puwersa ng administrasyon dahil nasa oposisyon na ang momentum ng kampanya, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Sinabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr., matapos ang higanteng rally kamakalawa ng gabi sa Pasay City para sa Leni-Kiko tandem, walang duda na ang momentum ng kampanya ay nasa oposisyon na.

Iniulat na umabot sa 502,000 katao ang dumalo sa birthday grand rally ni presidential bet, Vice President at Leni Robredo.

“Papalaki na,” ani Reyes, “ang natitipong tao ng oposisyon at hindi na makasabay ang makinarya nina Marcos-Duterte.”

“May winning trajectory o malaking tsansang manalo ang oposisyon sa darating na Mayo 9,” ayon kay Reyes.

Giit niya, mas nanaig ang malakas na pagnanasa ng mamamayan para sa pagbabago sa kabila ng walang habas na red-tagging at pananakot ng puwersa ng administrasyon.

Magugunitang mula noong nakaraang buwan ay naglunsad ng ‘coordinated red-tagging statements’ si Pangulong Rodrigo Duterte, ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at ilang kandidatong kontra sa kandidatura ni Robredo.

“Hindi lang tungkol sa isang tao o politiko ang mga pagkilos kundi nakaugnay ito sa malalim na pagnanais ng mamamayan na wakasan ang kasalukuyang pagkakalugmok ng bansa,” ani Reyes.

Upang maipanalo ang oposisyon, iminungkahi ni Reyes, sa huling dalawang linggo ng kampanya ay mahalagang matiyak ang patuloy na paglaban sa iba’t ibang porma ng dayaan, lalo ang malawakang disimpormasyon at bilihan ng boto, na ngayon pa lamang ay ginagawa na.

Kailangan aniyang palakasin ang tulungan ng lahat ng puwersang oposisyon para matiyak ang mga boto sa araw ng halalan at labanan ang mga atake at panggigipit tulad ng red-tagging at harassment sa mga puwersa ng oposisyon.

“Tipunin ang pinakamalaking rally bago ang araw ng halalan, magsisilbi itong babala sa anomang tangka ng dayaan.”

Mahirap aniyang pigilan ang ang momentum ng oposisyon dahil isang malapad na hanay ang umusbong ngayon para biguin ang tambalang Marcos-Duterte at para igiit ang pagbabago sa bansa.

“Kung may dayaan man, tiyak na lalabanan at itatakwil ito ng mamamayan. Ipapanalo natin ito,” aniya.

Sa pagdiriwang ng ika-57 kaarawan ni VP Leni kamakalawa, bukod sa dumagsa ang endoso sa kanya ng mga personalidad ay nadagdag ang malalaking pangkat sa bansa, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at political party nitong United Bangsamoro Justice Party, Ecumenical Bishops Forum (EBF), Kilusang Mayo Uno (KMU), at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay). (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …