Friday , November 22 2024
Leni Robredo Bangsamoro

Bangsamoro leaders, inendoso si VP Leni bilang next President

“NAPAKALAKING birthday gift po ito para sa akin,” ani Robredo.

Si Vice President Leni Robredo ang piniling kandidato pagka-Pangulo ng mga pinakarespetadong lider ng Bangsamoro, isang napakahalagang endorsement para masungkit ang Mindanao votes sa huling dalawang linggo ng kampanya bago ang May 9 presidential elections.

Inianunsiyo ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister at MILF chairman, Al-Hadj Murad Ebrahim, ang kanilang suporta para kay Robredo noong Sabado, 23 Abril, mismong ika-57 kaarawan ng Bise Presidente.

Suportado rin ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), ang political party ng MILF, si Robredo, ang tanging babaeng kandidato pagka-Pangulo.

Ito ang pinaka-unang presidential elections ng binuong BARMM pagkatapos ng matagumpay na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng MILF at naipasa ang Republic Act No. 11054, na kilala bilang Bangsamoro Organic Law.

Ang MILF at UBJP ay ilan sa malalaking grupo na nagdeklara ng suporta para kay Robredo noong mga nakalipas na linggo, isang patunay na dumarami ang naniniwala sa kakayahan ni Robredo na maging Pangulo ng bansa.

Dumalo si Robredo sa okasyon na ginanap sa Camp Darapanan, ang headquarters ng MILF, sa Maguindanao, noong Sabado ng umaga.

Itinaas nina Ebrahim, Maguindanao 1st District Representative Datu Roonie Sinsuat, Sr., Maguindanao 2nd District Rep. Esmael Mangundadatu, at dating Maguindanao 1st District Representative Bai Sandra Ampatuan-Sema ang kamay ni Robredo upang ipakita ang kanilang buong suporta para sa kanya.

“Napakalaking birthday gift po ito para sa akin, maraming maraming salamat,” ani Robredo. 

Sinabi ni Ebrahim, tiwala sila na dapat si Robredo ang maging susunod na Pangulo dahil sa suporta at atensiyon na ibinigay niya sa Bangsamoro.

“At certain points, when we needed allies in Congress, and as Vice President of the Philippines, Leni Robredo was there for us. She was there for Marawi. She makes time for the Bangsamoro. And in the many engagements with her, on specific concerns of the Bangsamoro, we feel her compassion and support. Leni Robredo is not just a [talk]; she acts,” ani Ebrahim, na siya UBJP president din.

Kasama si Robredo sa mga nag-akda ng unang bersiyon ng Bangsamoro Organic Law sa Kongreso, na kilala noon bilang Bangsamoro Basic Law.

Ipinangako ni Robredo, patuloy niyang ipaglalaban ang Bangsamoro at titiyakin niyang sa ilalim ng isang Robredo administration, uunlad ang Bangsamoro.

“What I can assure the Bangsamoro people is that a Robredo Presidency will be a friend and supporter of the Bangsamoro and a champion of the peace process. My track record as Vice President is my assurance that I will fulfill my commitments. My friendship and support to the Bangsamoro people have been consistent in the six years that I was Vice President,” sinabi ni Robredo.

Ang BARMM na ang pinakamadalas untahan ni Robredo bilang Vice President dahil sa rami ng proyektong inilalaan ng kanyang opisina para sa mga probinsiya dito kabilang ang Lanao del Sur to Maguindanao, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Mayroong mga poverty alleviation programs, sustainable livelihood at training programs, mga programa sa edukasyon, pangkalusugan, at social development.

“Bawat sakuna na nangyayari nandito po ang Office of the Vice President. Noong nangyari ‘yung Marawi siege, in the middle of the siege, nandito na po kami, sa Lanao del Sur, tumutulong,” dagdag ni Robredo.

Pangako ni Robredo, kung siya ang magiging Pangulo, titiyakin niya ang buong implementasyon ng peace agreement at tutugunan kung ano pa ang kailangan sa Bangsamoro transition period.

Mula sa Maguindanao ay dumeretso si Robredo sa “Araw Na10 ‘To!” Street Party and People’s Rally sa Pasay City na dinaluhan ng higit sa 400,000 katao.

Ito na ang pinakamalaking rally ni Robredo at nahigtan pa ang rally ng ibang kandidato.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …